Suspect, nag-withdraw ng P29,000 sa ATM ng missing sabungero!

NAKATUTOK ang pulisya sa ngayon sa lalaking nag-withdraw ng P29,000 sa ATM ni Melbert John Santos, na dinukot kasama ang tatlo pa, sa isang sabungan sa Sta. Cruz, Laguna noong Enero 24. Hindi pa nakikilala ang lalaki dahil nakasuot ito ng itim na face mask. Kaya nanawagan si Col. Randy Glenn Silvio, hepe ng National Capital Region (NCR) ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa mga sabong afficionado na tulungan silang makilala ito.

Ayon kay Col. Silvio, malaki ang maitutulong ng lalaki sa paglutas ng mga kaso ng 34 ­missing sabungeros kapag nasa custody na ito ng CIDG. Hindi pa masabi ni Col. Silvio kung may “breakthrough” na ang imbestigasyon nila sa missing sabungeros dahil at large pa ang lalaki. Malaki ang paniniwala ni Col. Silvio na may kinalaman itong lalaki sa pagdukot kay Santos, pati ang tatlong kasama nito. Mismooooo! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaa!

Ayon kay Col. Silvio, si Santos at ang tatlong kasama ay dinukot ng mga kalalakihan sa isang sabungan sa Sta. Cruz, Laguna bandang alas dos ng madaling araw noong Enero 14. Pagkalipas ng isa’t kalahating oras, ang lalaki ay nakita sa CCTV camera na nag-withdraw ng apat na beses sa Puregold BDO ATM booth sa Lipa City, Batangas. Itong kuha sa lalaki ay nai-post ng kamag-anak ni Santos sa social media sabay panawagan sa mga sabungero na kilalanin siya.

Nakiusap din ang pamilya ni Santos sa sambayanan na ibunyag sa kanila ang pagkakilanlan ng lalaki at bahala na silang makipag-ugnayan kay Col. Silvio para mahuli ang lalaki, na maaring hitman ng isang gambling lord. Sinabi pa ni Col. Silvio na si Santos ay huling nakipag-message sa kanyang mga kamag-anak 30 minuto bago siya dinukot.

Hindi pa alam ni Col. Silvio kung ano ang mensahe na ipinadala ni Santos sa kanyang kaanak. Dipugaaaaaa! Hak hak hak! Kapag binanggit mo itong Sta. Cruz, Laguna at Lipa City, Batangas, may namumuong suspetsa kaagad ang mga kosa kong sabong afficionado. May “circumstancial evidence” na ano, di ba mga kosa? Mismooooo!

Sinabi naman ni PNP spokeperson Col. Jean Fajardo na so far walong kaso pa lang ang hawak ng CIDG at hindi pa ito nadagdagan. Subalit ‘yaong kaso na nai-file ng CIDG sa mga dinukot sa Manila Arena ay hindi pa nagpalabas ang prosecutor’s office ng kanilang resolution, ani Col. Fajardo. Iginiit pa ni Col. Fajardo na ang mga suspects sa Manila Arena case ay binigyan ng pagkataon na sagutin ang akusasyon laban sa kanila. ‘Yaong kaso naman ng missing master agent ng e-sabong sa San Pablo, Laguna ay naka-file na din ang kaso nitong Abril.

Advertising
Scroll to continue

Tinututukan din ng SITG Sabungero ang kaso ng isang biktima na dinukot sa Meycauayan, Bulacan, malapit sa isang gasolinahan. Dipugaaaaa! Ha hak hak! Nakuhaan na ng statement ang pamilya at kino-collate na lang ang technical evidence para ma-identify ang mga suspects na nakita sa CCTV footages, ani Col. Fajardo. Magkalinaw din itong kaso ng missing sabungeros. Mismooooo!

Ayon naman sa mga sabungero, dapat lumutang na itong lalaki kung mahal niya ang kanyang buhay at pamilya. Remember Kenneth Yu, anila. Abangan!

Show comments