^

Punto Mo

Gerilya na e-sabong, tutuldukan ng PNP!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

KUMILOS na ang liderato ng Philippine National Police (PNP) para tuldukan na ang kahibangan ng mga operators ng gerilya na e-sabong na patuloy na ipinapahiya si President Digong. Sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na tinatrabaho na ng Anti-Cybercrime Group ang pag-take down ng gerilya na e-sabong sites sa Internet. Ayon kay Col. Fajardo nagsagawa na rin ng case build-up ang ACG at nakipag-coordinate na sa mga service providers para ma-identify ang mga nasa likod ng gerilya na e-sabong sites.

Iginiit pa ni Col. Fajardo na kasamang aalamin ng ACG kung ang anim na e-sabong operators na binigyan ng permit ng Pagcor ay kasamang nag-o-operate ng gerilya na palaro. Araguuyyyyy! Noong May 3 pa iniutos ni President Digong na ipasara ang operations ng e-sabong dahil sa hindi masawatang kaso ng patayan subalit hindi s’ya pinansin ng mga operators na nagpatuloy na nag-operate ng gerilya na palaro. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak!

Tapos na ang maliligayang araw ng mga operators ng gerilya na e-sabong dahil ayon kay Col. Fajardo, walang sasantuhin ang ACG na habulin itong mga suwail na financiers. Dipugaaaaa! 

Sa totoo lang, nagsarahan naman ang lahat ng off-cock betting stations (OCBS) sa mga kalye matapos iutos ni President Digong na isara ang e-sabong. Subalit may mga operators na matikas ang dibdib na hindi pinansin si President Digong at patuloy na nangangalap ng taya, gamit ang mga online sabong links, sa social media.

Sa ganitong sistema, garapalan na ang operations ng e-sabong dahil hayag ang pagkumbinsi nila ng mananaya at hindi inaalintana na mahagip sila ng kapulisan. “So far, we have not monitored any betting stations na patulo pa rin na nag-ooperate. Ngayon naka-focus yung ating pansin at atensyon dito sa mga internet- based naillegal na operations,” ang giit ni Col. Fajardo.

Idinagdag pa ng PNP spokeperson na tutulong ang CIDG sa paghabol nitong gerilya na e-sabong. Ang CIDG ay puwedeng mag-operate nationwide dahil meron silang provincial at regional field units, aniya. Mismooooo! Hak hak hak! Mukhang seryoso na itong PNP na tuldukan ang operations ng illegal e-sabong. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Dipugaaaaa! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Inulit ni Col. Fajardo ang warning sa kapulisan na ‘wag makisawsaw sa e-sabong dahil may walong pulis na ang pinatawan ng disciplinary actions, at isa dito ay na-dismiss na. “May 8 tayong pulis na nakasuhan, both admin at criminal, at meron na rin tayong nadismiss na pulis particularly yung pulis na nahuli na nangholdap because of his addiction sa e-sabong,” ani Col. Fajardo. Dipugaaaaa! Hak hak hak!

Maraming problema ang idinulot nitong e-sabong sa mga Pinoy at nararapat lang na tuluyang ipasara ito, di ba mga kosa? Mismoooooo!
Kung sabagay, milyones ang iniakyat nitong e-sabong sa kaban ng gobyerno subalit bilyones din ang nawala sa bulsa ng mga OFWs at ordinaryong Pinoy. Samantalang, ang mga operator’s naman ng e-sabong ay bilyones ang kinikita kaya’t hayun ang ending ay puro patayan! Dipugaaaaa! Abangan!

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with