^

Punto Mo

Kaso ng COVID, hindi tumataas

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MUKHANG magandang balita, isang linggo matapos ang eleksyon at ang nagdaang mga kampanya, patuloy pa rin umano sa pagbaba ang kaso ng COVID-19.

Ito nga ay sa kabila nang pangambang sa loob ng dalawang linggo makikita kung naging super spreader ang nagdaang kampanya at mismong eleksyon na dinagsa ng marami nating kababayan.

Ayon sa Departmet of Health (DOH), wala pa silang naitatalang pagtaas kahit saang panig ng bansa.

Mas mababa na rin umano ang naitatalang kaso kung ikukumpara sa mga bilang bago magkaroon ng Omicron variant.

Sa kabila nito, aba’y hindi pa rin dapat maging kampante at patuloy na sumunod sa pinaiiral na protocols.

Mas matindi pa rin ang ang paghikayat ng pamahalaan para magpabakuna ang mga mamamayan.

Kitang-kita nga naman na naging epektibong panlaban sa virus ang mga bakuna.

Simula kasi nang ipatupad ang malawakang pagbabakuna sa bansa, naramdaman ang unti-unting pagbaba ng kaso ng COVID.

Eto at ang binabantayan sa kasalukuyan ay ang subvariant ng Omicron, ang BA.2.12.1.

Labing-apat na ang naitala ng DOH na kaso nito dalawa ay nasa Metro Manila.

Gayunman, aminado ang DOH na hindi maaga pa para sabihing may local transmission na nito.

Hindi rin naman lubhang matindi ang dala ng variant na ito kumpara sa Delta variant pero siyempre dapat pa rin ang pag-iingat.

Kailangan pa rin tayong maghintay ng ilang araw o isa o dalawang linggo para matiyak na  hindi naging super speader ng virus ang nagdaang kampanya at halalan.

Sana nga ay tuluyan nang makaalpas ang bansa sa pandemyang ito, na matagal na panahon na rin nating nilabanan.

Tuluy-tuloy na sana hanggang bumalik na sa dati ang lahat at sa inaasahang pag-aalis na ng suot-suot nating face mask.

Pero hindi kailangang magmadali, dapat sigurado, mahirap nang magkamali.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with