Ang mga kaliwete (left handers)

• Mas mabilis silang matuto na gamitin ang kanilang kanan kumpara sa right-handed counterparts.

• Kapag nagdodrowing sila ng mukha ng tao, lagi itong nakabaling sa kanan.

• May mga bansa pa rin sa ibang panig ng mundo na pinarurusahan ang mga batang kaliwete.

•  May mga bansang ang paniwala ay marumi ang kaliwang kamay dahil ito ang ginagamit na panlinis ng puwet.

• Ang salitang “left” ay mula sa Anglo Saxon na lyft na ibig sabihin ay weak or broken.

• Malaki ang porsiyento na maging left hander ang baby na isinilang ng inang 40 years old.

• Base sa pag-aaral ng mga researcher, malaki ang tsansa ng left handers na maging lasenggo at schizophrenic.

• Nauutal at nagkakaroon ng dyslexia ang batang left handers kung pinilit silang maging right hander. Ito ang nangyari kay King George VI ng England noong bata pa.

• Mas mabilis mag-adjust ang paningin ng left handers sa ilalim ng dagat.

• Nagiging mas mahusay sila sa  tennis, baseball, swimming and fencing.

• Apat sa limang original designers ng Macintosh computer ay left handers.

• Ang left handers ay generally, mas matalino, better looking, imaginative and multi-talented kaysa right handers.

(Itutuloy)

Show comments