^

Punto Mo

2022 elections, dinagsa ng botante!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Naidaos na rin ang pambansa at lokal na halalan sa bansa.

Maliban sa mga mga reklamo sa mga hindi gumana at dispa­linghadong mga vote counting machines (VCMs) at ilang kali­tuhan sa mga pangalan, sa kabuuan eh naging matagumpay at payapa ang isinagawang halalan.

Ngayong nakita na ang depekto, sana ay maaksiyunan nang Comelec ang mga sirang VCMs ng Smartmatic.

Isa kaya yan sa dahilan kaya naantala at nabalam, ang proseso ng eleksyon sa maraming lugar.

Kinokompromiso nito ang halalan, na akala natin ay na-test na bago gamitin sa eleksyon, ‘yun pala meron pa ring mga sasablay.

Bukod dyan, sa ilang lugar naman, na itinuring na mga concerned areas ng Comelec, nagkaroon ng ilang kaguluhan at tensyon partikular sa parte ng Mindanao, agad naman itong nakontrol ng mga awtoridad.

Ngayong tapos na ang halalan, hihintayin na lamang ay ang bilangan at kasunod ay kung sinu-sino ang mga bagong manunungkulan sa ating bansa sa mga susunod na buwan.

Nagsalita na ang bayan, anuman ang maging resulta ng halalan, dapat itong irespeto at igalang, bagama’t natural na rin naman na marami dyan ang maghaharap ng mga protesta pero sana ay sa maayos na paraan.

Matindi ang eleksyong ito sa bansa, kung saan nga itinuring ng Comelec na naging ‘blockbuster’.

Marami ang talagang lumabas at nagsiboto kung ikukumpara sa mga nakaraang eleksyon.

Saksi ako sa maagang pagpila ng mga botante kahit di pa nagbubukas ang mga polling precinct mahaba na ang pila.

Larawan na talagang hindi palalampasin ng mayorya ng mga Pinoy na makiisa sa halalang ito.

Iyan ay sa kabila pa nga na nandyan pa rin ang banta ng pandemya ng COVID-19.

Ngayong natapos na, bilangan naman ng mga botoang inaabangan, umaasa tayong magiging payapa pa rin ang ating mga kababayan.

2022 ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with