^

Punto Mo

Vice mayor ng ­Batangas, nang-abuso ng masahista?

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

SINAMPAHAN ng kasong ‘act of lascivousness’ at ‘grave threat’ si Vice Mayor Jay Manalo ng Mataas na Kahoy, Batangas habang papalapit ang May 9 elections. Itong si Manalo ay hindi ‘yung artista? Kahit saang anggulo tingnan, tiyak magagamit sa pulitika itong mga kasong inihain laban kay Manalo ng isang 33-anyos na masahista. Sobrang galing siguro nito si Manalo at kinasuhan s’ya ng biktima sa tulong ng Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG. Ano sa tingin n’yo mga kosang Marites? Hihihi!

Isinampa ang kaso laban kay Manalo nitong Abril 26 sa National Prosecution Service (NPS) ng Department of Justice (DOJ) at ang kopya ay ipinadala na din sa Office of the Provincial Prosecutor sa Batangas. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Hintayin natin ang kasagutan ni Manalo sa kaso na ito. Mismooooo!

Sa sinumpaang salaysay ng biktima kay PSMS Carolina Santos, ng Women and Children Protection Section ng RIDMD ng PRO4-A, sinabi niya na naganap ang pang-abuso sa kanya ng suspect noong Hunyo 2021 sa mismong silid ng vice mayor sa Santol Farm sa nasabing bayan. Nagsadya umano siya sa farm ni Manalo matapos tawagan nina alyas Lot at Jojo na magpa-home service ang suspect. Pagdating niya sa isang maliit na kubo, katabi ng bahay, ay dinatnan niya ang vice mayor na nagpapagupit kung saan at may isa ring lalaki na nagkakabit ng CCTV.

Pinauna umano siya ni Manalo sa 2nd floor kung saan ni-lock nito ang pinto. Ayon sa biktima, biglang hinawakan ni Manalo ang kanyang dibdib sabay tulak sa kanya sa kama. “Diniinan n’ya ako ng isang braso sa leeg at tinaas niya ang t-shirt at bra ko po sabay pilit na hinahalikan ako at nilamas niya ng mahigpit ang aking dibdib at nang ako nagpumiglas ay hinatak niya ang kamay ko at pinapahawak ang ari niya,” ang sabi pa ng bitkima.

Sinabi ng biktima na nagpumiglas siya subalit binalaan nito na ‘wag manlaban dahil kaya nitong burahin o sirain ang buhay niya. Tsk tsk tsk! Habang ginagawan s’ya ng kahalayan, nagsariling sikap umano si Manalo hanggang sa labasan ito saka pinayagan siyang umalis. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Masisira kaya ng masahista ang political career ni Manalo? Anong sey n’yo mga kosa?

Sinabi ng biktima, ang karanasan niya ay ikinuwento kay Ate Annie at hindi na siya nagpakita kay Manalo, kahit ilang beses siyang kinumbinsi ni Lot na magpapamasahe ito dahil masakit ang katawan. Subalit nakatanggap sa messenger noong Pebrero 16 ang biktima mula kay Lot at nagsabing sadyain siya sa bahay dahil magpapamasahe siya. Nagkita sila roon ng isang therapist na si alyas Bernadette kung saan nag-offer si Lot ng tulong ni Manalo kapag kailangan nilang dalawa dahil mabait naman ito. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Bukas ang Dipuga sa panig ni Manalo. Mismooooo! Abangan!

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with