^

Punto Mo

Magkano ang separation pay na dapat matanggap?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May plano po ang kompanyang pinapasukan ko na magbawas ng empleyado para maiwasan daw ang pagkalugi ng kanilang negosyo. Kung sakaling isa po ako sa matanggal, magkano po ang dapat kong asahan na separation pay?—Gerry

Dear Gerry,

Nakasaad sa Article 298 (dating Article 283) ng Labor Code na ang sinumang empleyado na mahiwalay o matanggal sa trabaho dahil sa pagtitipid ng employer sa mga gastusin upang makaiwas sa pagkalugi sa pamamagitan ng pagbabawas ng tauhan, ay may karapatang makatanggap ng separation pay.

Ang halaga ng separation pay para sa mga empleyadong na-retrench o tinanggal upang makaiwas ang employer sa pagkalugi ay katumbas ng kalahating buwan na sahod para sa bawat isang taon ng kanilang naging serbisyo. Isasama sa bilang na ito at ituturing na isang taon ang pagseserbisyong hindi bababa sa anim na buwan.

Sa pag-compute kung magkano ang kalahating buwan na sahod na siyang magiging ­basehan ng separation pay, kailangang isama ang allowance na regular na natatanggap ng emplayedo tuwing siya’y sumasahod (kung mayroon man) bukod sa kanyang basic salary, alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng Planters’ Products, Inc. vs. NLRC (GR No. 78524, January 20, 1989).

SEPARATION PAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with