^

Punto Mo

Todo-todo na ang mga kampanya!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa halos natitirang dalawang linggo ng kampanya bago ang halalan, paspasan na ang magkakabilang panig ng mga tatakbo sa halalan.

Malamang nyan lalo na sa susunod na linggo, marami na dyan ang magsasagawa ng kanilang mga huling grand rally hanggang sa Mayo 7 ang huling araw ng kampanya.

Asahan na ang pabonggahan at itotodo na ‘yan.

Nito lamang nakalipas na linggo, aba’y nagpatalbugan na talaga sa kanilang mga kampanya ng iba’t ibang kampo ng mga presidentiables sa kanilang mga grand rallies partikular na ginawa sa Metro Manila.

Naging maayos naman ang mga campaign activities, ayon sa National Capital Regional Police Office (NCRPO), na itinuring nilang generally peaceful.

Asahan na mas titindi pa nga ‘yan sa huling linggo ng kampanya.

Nakita naman natin ang dagsa ng kani-kanilang supporters, na talagang ito naman ang  ikinatatakot ng mga health experts dahil mismong wala nang pandemya sa COVID ang nagaganap.

Eto nga, ayon sa DOH ay nakitaan na nang pagtaas sa kaso ng virus sa ilang lugar sa Metro Manila.

Ang sinasabi ng DOH na posibleng dahilan ay ang nabawasang pagtalima sa minimum public health standards, pagdagsa ng mga tao sa election campaign sorties, at maging ang mga nakalipas na religious activity. 

Kahapon umarangkada na ang pagbibigay ng ikalawang booster shots na ang uunahin ay yaong mga immunocompromised.

Pero mukhang matumal pa rin.

Kung yun ngang unang booster, parang ayaw nang magpatrurok ng marami , baka mas lalo na itong ikalawa eh isnabin din.

Tandaan ang daming bakuna na naka-stock ang bansa, ang hinihintay eh yaong mga magpapabakuna.

Huwag magpakampante, dahil nandyan pa rin ang COVID, hindi dapat makalimot o malibang sa mga aktibidad sa halalan lalu at kung anu-anong variant ang naglilitawan.

Baka pati pagboto mo hadlangan ng mga variant na ito.

 

2022 ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with