^

Punto Mo

Anak sa pagkadalaga, maari bang gamitin ang apelyido ng ­kasalukuyang asawa?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May anak po ako sa pagkadalaga na inaalagaan namin ng aking asawa ngayon. Parang sariling anak na po ang turing ng aking asawa sa kanya kaya iniisip ko po kung maari bang gamitin ng bata ang kanyang apelyido para hindi naiiba ang pangalan niya sa iba kong anak. Kailangan pa bang ampunin ng asawa ko ang anak ko sa pagkadalaga para magamit ng bata ang apelyido niya? May nakapagsabi po kasi na maari na namang gamitin ng bata ang apelyido dahil kasal na ako sa asawa ko ngayon. — Yolly

Dear Yolly,

Ang isang illegitimate child ay maaring maging legitimate sa pamamagitan ng proseso na kung tawagin ay legitimation. Gayunpaman, hindi lahat ng illegitimate child ay maaring legitimate sa pamamagitan ng prosesong ito. Ayon sa Article 177 ng Family Code na inamyendahan ng Republic Act No. 9858, kailangang walang hadlang sa pagpapakasal ng mga magulang ng illegitimate child nang siya ay ipinanganak o kung may hadlang man, ito ay dahil sa wala pang 18-anyos sila pareho o isa sa kanila. Magiging legitimate child na ang bata kapag nagpakasal na ang kanyang mga magulang.

Base sa probisyon na ito, hindi angkop ang proseso ng legitimation sa layunin mo na magamit ng anak mo ang apelyido ng asawa mo. Hindi naman kasi ang asawa mo ngayon ang tunay na ama ng iyong anak. Maari lamang ang legitimation kung ang biological parents mismo ng illegitimate child ang magpapakasal.

Adoption ang kailangan n’yong gawin kung gusto mong maging lehitimong anak ng iyong asawa ang batang anak mo sa pagkadalaga. Kailangan n’yong mag-file ng petisyon sa korte upang simulan ang prosesong ito.

MARRIAGE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with