Drawing ng pulitika nakakatawa na!

NANANATILI ang mataas na approval ratings ni President Digong at malaking bagay kung sino ang presidentiable na kanyang ikakampanya. Plus factor nga ba siya?

Nagtataka ang mamamayan kung bakit kahit nangunguna sa surveys si Bongbong Marcos na ka-tandem ng anak niyang si Sara, tila hindi pa ito kumbinsido na iendorso si BBM. May kondisyones ba? Oooops!

Nagpahayag na ng suporta ang PDP-Laban na partido ni Digong sa BBM-Sara tandem. Inaasahan na itataas na ni Digong ang kamay ni BBM sa susunod na mga araw. Baka naman naayos na, he-he!

Tanging si VP Leni Robredo lamang ang malinaw na magiging kalaban ni BBM kaya lutang na kung sino ang totoong oposisyon. Kinasasabikan na ng mamamayan ang labanan at ang resulta nito. Kumusta naman kaya ang Smartmatic?

Kalakaran na ang laglagan kahit sa lokal na mga kandidato lalo na sa mga konsehal na nasa oposisyon. Sila-sila mismo ay nagkukumahog na manalo at all cost lalo pa kung malakas ang hanay ng re-electionists. Ganyan din ang nangyayari sa mga tumatakbong senador na trying hard. Given na yan!

Importante talaga ang pondong pera sa panahon ng kampanya lalo sa ganitong panahon na ang karamihan ay nasanay sa abutan ng ayuda kuno. Wala nang interesado ngayon sa polyetos at karatula. Kaya kung walang dala sa pag-iikot ang lokal na kandidato, para siyang estrangherong ermitanyo!

Ang terminong “name recall” ay inagaw na ng “give them all” na nakasanayan na sa panahon ng pandemya. “Abot”  for a “vote! Nakalulungkot pero ‘yan ang kalakaran! Di ba Kapitana Tekla?

Show comments