Mas mahalaga pa sa diyamante

ISANG araw, napansin ng sikat na boksingerong si Muhammad Ali ang kanyang anak na si Hana na nakabihis ng damit na sobrang seksi —nakabuyangyang ang cleavage ng suso; isang maling hakbang lang ay masisilipan na ito ng panty dahil sa sobrang ikli ng kanyang palda.

Nakangiting nilapitan ng ama ang kanyang dalaga at malumanay na nagsalita:

Ang lahat ng mahahalagang bagay na nilikha ng Diyos ay nilalagyan niya ng takip o kaya ay itinatago sa lugar na malalim.

Saan mo matatagpuan ang diamond? Di ba sa pinakailalim ng lupa?

Ang perlas ay nasa pinakailalim ng dagat na pinoprotektahan pa ng matigas na shell.

Ang ginto, ilan pang layers ng matigas na lupa ang kailangang tibagin para ito mahukay.

Hinawakan ni Ali ang kamay ng anak:

“Anak, your body is sacred. Ang iyong katawan ay mas mahalaga kaysa diyamante, perlas at ginto kaya mas kailangan mo  itong ingatan at takpan.”

“All it takes are a few simple outfits. And there is one secret – the simpler, the better.” – RMRS

Show comments