^

Punto Mo

Ano ang ibig sabihin ng notice of lis pendens?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May balak po akong bilhin na lupa. Nang pumunta po ako sa register of deeds para kumuha ng kopya ng titulo ng lote ay napansin ko pong may nakalagay na “Notice of Lis Pendens” sa huling page ng title. Ano po ba ang ibig sabi­hin nito? —Arnel

Dear Arnel,

Ang lis pendens ay isang Latin term na ang literal na translation ay “pending litigation” o nakabinbin na kaso. Ayon sa Korte Suprema sa kaso ng Villanueva v. Court of Appeals, ang notice of lis pendens sa titulo ay isang babala sa lahat na ang lupa ay kasalukuyang sangkot sa deman­dahan.

Ang notice of lis pendens ay nagsisilbing paalala sa mga katulad mong balak magkaroon ng interes sa lupa. Ang sinuman kasi na bibili ng titulong may nakasaad na notice of lis pendens ay sumusugal dahil maaring maapektuhan ang anumang magiging karapatan nila sa lupa batay sa magiging resulta ng kaso.

Dahil nakita mo na ang notice of lis pendens, hindi mo na maitatangging alam mo na may nakabinbin palang kaso patungkol sa lupa bago mo ito binili. Ibig sabihin, tali ka na rin sa anumang magiging desisyon ng korte sa kaso kung sakaling ituloy mo ang pagbili ng lupa, pabor man ito sa iyo o hindi.

Hindi naman ibig sabihin nito na mas mabuting huwag na lang i-check ang titulo ng lupa bago ito bilhin upang hindi matali ang isang buyer sa kalalabasan ng kaso sakaling may notice of lis pendens pala ang titulo.

Una, tali pa rin naman sa desisyon ng korte ang sinumang bumili ng lupang may notice of lis pendens, tsinek man niya ang titulo nito o hindi. Pangalawa, responsibi­lidad ng bawat buyer ng lupa ang maging “buyer in good faith.” Upang maging buyer in good faith, kailangang sigu­raduhin ng bumibili ng lupa sa abot ng kanyang makakaya na walang gusot sa pagmamay-ari nito, sa pamamagitan halimbawa ng pag-check sa titulo ng lupa. Kung hindi niya gawin ito, at sakaling may isyu pala sa pagmamay-ari ng lupa, maari siyang ipagpalagay ng batas bilang isang “buyer in bad faith” na walang kahit anong karapatan sa property kahit pa nabayaran na niya ito.

COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with