^

Punto Mo

Kandidatong pasaway!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ayan na nga, nakahanda na umano ang Philippine National Police (PNP), siyempre sa patnubay ng Commission on Elections (Comelec) na baklasin ang sangkaterba nang  campaign materials ng ilang politiko kahit pa nga hindi pa panahon ng kampanya.

Ito ay kung hihingi ng tulong ang local government units sa pagbabaklas ng napaagang campaign materials.

Tiniyak ni PNP chief General Dionardo Carlos na manana­ti­ling neutral ang PNP kung ang reklamo ay may kinalaman sa pagtatanggal ng mga election materials tulad ng tarpaulin. Wala umano  silang papanigan o papaboran maging kaibigan o kamag-anak.

Nauna na kasing nag-utos noong Sabado si Pasig Mayor Vico Sotto na baklasin ang mga nakakabit at mga nakadikit na election-related materials sa mga public property na lubhang napakaaga pa dahil sa susunod na taon pa ang kampanya.

Aba’y talaga nga namang ang aagap ng ilang kandidato. Iba na raw ang nakauna, kaya nga lang may paglabag na.

Kung simpleng panuntunan na ito eh hindi nila nasusunod at nakikitang nanlalamang agad sa iba, paano na siya makakasunod sa iba pang panuntunan.

Hindi lang sa mga pagkakabit ng election-related materials naging maagap na iba kahit hindi pa kampanya.

Sangkaterba na rin ang mga political rallies.

Ikutan na ang mga kandidato, kaya nga ang paalala ng DILG eh hindi pa panahon ng kampanya.

Nakakatakot pa nga ang ilang aktibidad ng iba, sangkaterba ang tao, madalas na hindi nasu­sunod ang safety health protocols lalo pa nga at may banta ng Omicron variant.

Sinasabing doble itong nakakahawa kaysa daw sa Delta.

Pwede siguro maghintay muna ng tamang panahon, may itinakda naman talagang petsa para sa kampanya.

Ang official campaign period sa 2022 elections ay magsisimula  pa sa Pebrero 8, 2022 para sa mga tatakbo sa national post at Marso 25 pa para naman sa tatakbo sa local na posisyon.

Sana naman eh ‘wag na rin maging pasaway ang mga kandidato o ornanizer o supporters ng mga ito.

Baka kayo pa maging dahilan sa pagtaas muli ng kaso ng COVID, kaya ingat, sunod  muna, maaga pa para sa kampanya.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with