^

Punto Mo

EDITORYAL - May magagawa si Lorenzana sa pambu-bully ng China

Pang-masa
EDITORYAL - May magagawa si Lorenzana sa pambu-bully ng China

SA mga Cabinet officials ni President Duterte, da­lawa lamang ang may paninindigan sa paghahari ng China sa West Philippine Sea (WPS) – sina Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. at Defense Sec. Delfin Lorenzana. Ang dalawa ang nagpapakita ng pangil sa naghahari-hariang China pero hindi rin nila ito mailabas para maikagat. Si Locsin, pinagmumura sa kanyang Twitter account ang China dahil sa pananatili ng mga barko nito sa West Philippine Sea. Anong klaseng ka­ibigan daw ang China. Nang bombahin ng tubig ng Chinese Coast Guard ang dalawang bangkang Pinoy na maghahatid ng supply sa mga sundalong nasa Ayu­ngin Shoal, gigil na sinabi ni Locsin na magpa-file siya ng diplomatic protest. Mula nang maglipana ang mga barko ng China sa teritoryong napanalunan ng Pili­pinas sa arbitrary ruling noong 2016, napakarami nang pro­testa ang kanyang nai-file laban sa China. Pero hanggang doon lang. Matalas ang pangil ni Locsin pero hindi maikagat.

Si Defense Sec. Lorenzana ay gigil na gigil na rin sa China dahil sa ginagawang pambu-bully at pananatili ng mga barko nito sa WPS. Nagpanting ang taynga ni Lorenzana nang sabihin ng China na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal dahil may commitment dito ang Pilipinas. Sagot ni Lorenzana, walang commitment ang Pilipinas at hindi nito aalisin ang barko sa Ayungin dahil teritoryo iyon ng Pilipinas na napanalunan sa arbitrary ruling noon pang 1982.

Noong nakaraang Abril, nagputok ang butse ni Lo­renzana sapagkat 300 barko ng China ang humimpil sa Julian Felipe Reef na nasa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. Sinabihan ni Lorenzana ang China na paalisin ang mga barko. Sagot ng China, nagkukubli lang daw sila roon dahil may bagyong paparating. Sabi naman ni Lorenzana, hindi siya naniniwala na sumisilong lamang ang mga barko sa reef dahil masama ang panahon. Hindi raw siya gago para paniwalaan ang sinabi ng ambassador ng China sa Pilipinas na dati na raw sumi­silong roon ang mga barko nilang pangisda.

Lumalaban si Lorenzana pero hindi ganap. Dapat bumaon ang pangil niya. Isa sa maaaring gawin niya ay ang magtayo ng istruktura sa mga pag-aaring teri­toryo ng bansa. Halimbawa ay sa Ayungin Shoal. Bukod sa mayroon nang barko roon dapat gumawa pa rin ng istruktura na nagpapakilalang pag-aari iyon ng Pili­pinas. Kinakalawang na ang BRP Sierra Madre at mabubulok na kaya kailangang matibay na istruk­tura ang itirik doon para malaman ng China na hindi iyon sa kanila. Kaya yan ni Lorenzana.

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with