_pang-masa
^

Punto Mo

Lalaki sa China, pinagbawalan sa eat-all-you-can buffet restaurant dahil sobrang lakas kumain!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

TINANGGIHAN ng isang eat-all-you-can buffet sa Changsha, China na papasukin sa kanilang restaurant ang isa sa kanilang suki dahil nalulugi na sila sa sobrang lakas kumain nito!

Naging viral ang TV interview kamakailan ng isang food vlogger na kinilala sa pangalang Kang dahil pinagbawalan na siyang pumasok sa eat-all-you-can buffet na Handadi Seafood BBQ Buffet.

Ayon kay Kang, hindi natutuwa ang may-ari ng buffet na nakaubos siya ng 1.5 kilo ng baboy noong una niyang punta rito  at 4 kilos ng hipon noong pangalawa niyang pagbisita.

Nang kinapanayam ang may-ari ng nasabing buffet, kinumpirma nito na banned na si Kang sa kanyang establisimento. Kuwento pa niya, tuwing bumibisita si Kang, nalulugi siya ng ilang daang Yuan. Bukod daw sa malakas kumain ng pork at shrimp si Kang, kayang-kaya rin daw nitong umubos ng 30 bottles ng soy milk!

Depensa naman ni Kang, wala siyang nilalabag na batas kaya para sa kanya, unfair at discrimination sa tulad niyang malakas kumain ang ginawang pagbabawal sa kanya.

Umabot ng 250 million views ang kuwento na ito sa Chinese social media website na Weibo. Karamihan sa mga netizens ay pumanig kay Kang sapagkat sa tingin nila, hindi makataru­ngan ang ginawa ng buffet reastaurant.

Dahil sa natanggap na panunuligsa at kritisismo ng Handadi Seafood BBQ Buffet, nagdesisyon ang may-ari na banned na ang lahat ng food vloggers na kukuha ng video habang kumakain sa kanilang establisemento.

CHINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with