^

Punto Mo

EDITORYAL - Nasaan na ang mga heneral na sangkot sa illegal drugs?

Pang-masa
EDITORYAL - Nasaan na ang mga heneral na sangkot sa illegal drugs?

MAHABA ang huling State of the Nation Addres (SONA) ni President Duterte noong Lunes (Hulyo 26). Umabot ng dalawang oras at 45 minuto. Natuon ang kanyang talumpati sa illegal drugs na karamihan ay nasabi na rin niya sa mga nakaraan niyang ulat sa bayan noong 2016 na nagsisimula siyang manungkulan. Ipinangako niya noon na sa loob ng anim na buwan ay tatapusn niya ang problema sa illegal na droga. Pero matatapos na niya ang termino sa susunod na taon, walang nababanaag na pagwawakas ng illegal na droga sa bansa at lumala pa nga sapagkat patuloy ang pagdagsa ng shabu na idinadaan pa sa mga port ng bansa. Walang anumang nakakalusot sa Customs dahil sa mga corrupt na empleyado at opisyal doon.

Muling inulit ng Presidente sa kanyang SONA ang masamang epekto ng droga sa pamilya. Sabi niya, “I’ve been asked the question and several times I gave the answer. I am a Filipino and I love my country. I do not want my country in disarray because of drugs. I do not want families break up and become dysfunctional. Iyon ang masakit sa akin.”

Sinabi na niya ito noon pa. Galit siya sa mga nagpapakalat ng droga. Nagbanta siyang papatayin ang mga sumisira sa mga kabataan. Hindi raw niya hahayaang sirain ng droga ang mamamayan.

Noong 2016 naglabas ang Malacanang nang mahabang listahan ng mga sangkot sa illegal na droga sa bansa. Kasama sa mga ito ang mga pulitiko at mga police officials. Kabilang sa mga nasa drug matrix ang siyam na police generals.

Ang tanong ay nasa na ang siyam na heneral na sinasabing sangkot sa illegal drugs. Bakit nawala na sila? Nasaan na rin ang mga Tsinoy na sangkot sa droga? Nakalabas na ng bansa? Nasaan na ang mga drug traffickers.

Patapos na ang termino ni President Duterte at maiiwan ang katanungang ito. Nasaan na ang mga salot na binantaan noong 2016?

 

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with