_pang-masa
^

Punto Mo

Pinakamalaking kumpol ng sapphire sa mundo, nadiskubre ng mga naghuhukay ng balon sa Sri Lanka

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SA halip na tubig, kayamanan ang natagpuan ng mga naghuhukay ng balon sa Ratnapura, Sri Lanka.

Dahil kasi sa kanilang paghuhukay, nadiskubre nila ang sinasabing pinakamalaking kumpol ng sapphire sa buong mundo.

Agad tinawag ng mga naghuhukay ang may-ari ng lote na kinilala lamang sa pangalang Gamage, na nagkataon namang isang gem trader.

Nasa 1,124 pounds ang bigat nang natagpuang sapphire at tinatayang nasa 2.5 million carats ito.

Ayon kay Gamage, nasuri na ang ilang pirasong humiwalay mula sa kumpol at high-quality star sapphires daw ang mga ito.

Sinasabing maaring uma­bot sa $100 million (katumbas ng P5 bilyon) ang halaga ng buong kumpol ng sapphire.

Hindi naman kataka-taka na sa Ratnapura, Sri Lanka natagpuan ang mamahaling kumpol ng bato. Siyudad ng mamahaling bato kasi ang ibig sabihin ng Ratnapura sa lengguwaheng Sinhalese at kilala ang lungsod bilang gem capital ng Sri Lanka.

SRI LANKA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with