_pang-masa
^

Punto Mo

Mga presong nang-hostage sa Sweden, pizza ang hininging ransom

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DALAWANG bilanggo sa Sweden ang nanghostage ng dalawang prison guards noong nakaraang Miyerkules. Siyam na oras hinostage ang mga guard bago pinakawalan.

Ayon sa report, pinaka­walan ng mga bilanggo ang mga guard, matapos ideliber sa mga ito ang hiling nilang pizza.

Parehong nakabilanggo para sa kasong murder ang dalawang hostage-takers. Nagawa nilang i-hostage ang dalawang guwardiya matapos silang puwersahang makapasok sa bahagi ng bilangguan na para lamang sa mga guwardiya.

Agad nilang hinostage ang dalawang guwardiya na madalas sa nasabing bahagi.

Nagpadala kaagad ng negotiator ang mga opisyal ng bilangguan at nalaman nito ang kahilingan ng hostage takers: Isang helicopter para makatakas at 20 pizza para sa mga kapwa nila preso.

Natapos ang hostage ta-king nang ideliber ang hiling na pizza ng hostage takers.

Kahit nasa bilangguan na, dinala pa rin ang hostage ta-kers sa pinakamalapit na presinto para kuwestiyunin sa krimeng kid­napping.

Wala namang nasaktan sa mga guwardiyang hinostage at ligtas silang nakauwi sa kanilang mga pamilya.

 

SWEDEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with