^

Punto Mo

Pacquiao, pursigido sa laban vs Spence at sa pulitika!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

KUNG gaano kabigat ang kinakaharap ni Sen. Manny Pacquiao na laban vs WBC at IBF welterweight champion Errol Spence Jr., sa Las Vegas sa Agosto, ganundin kabigat ang magiging laban niya sa larangan ng pulitika sa bansa. Maraming boxing experts kasi ang nagsasabi na dehado ang idol ng mga Pinoy dahil sa edad nitong 42 kumpara kay Spence na 31-anyos.

Hindi lang ‘yan! Si Spence ay mas matangkad ng apat na pulgada kay Pacquiao na halos dalawang taon na rin itong walang laban at baka kinalawang na. Sinabi ng mga boxing experts na mahirap makabalik sa dating kundisyon si Pacquiao dahil matagal itong nabakante subalit ang hindi nila alam, itong idol ng mga Pinoy ay sanay sa hirap at bugbugan bago niya nakamtan ang katangi-tanging titulong 8-time world boxing champion.

Kaya kung sanay makipagbasagan ng mukha si Pacquiao, tiyak ganun din siya sa laban niya na wakasan ang corruption sa bansa. Kung underdog si Pacquiao vs Spence, ganundin siguro sa larangan ng pulitika subalit tinitiyak ng kanyang kampo na ipupursigi niya ito tulad ng kanyang laban sa ring. Kaya abang-abang lang mga kosa dahil nahaharap tayo sa dalawang mainit at exciting na laban ni Pacquiao. Dipugaaaaa!

Sa pag-alis ni Pacquiao para mag-training sa abroad sa laban vs Spence, nag-iwan ito ng akusasyon na corruption laban sa gobyerno kaya lang tinawag ito ng mga kalaban n’ya sa pulitika na maliit na singaw lamang at hindi matinding pasabog. Subalit maraming grupo ang gustong lumantad at tulungan si Pacquiao na isulong ang kanyang akusasyon na corruption laban sa ilang ahensiya ng gobyerno kahit minamaliit ito ng mga kalaban sa pulitika.

Inaakusahan din si Pacquiao na kinakalaban niya si President Digong ngunit para sa senador isang pagtulong lamang ang kanyang inumpisahang imbestigasyon para mailabas ang korapsyon at maaksyunan ito ng huli. Mismooooo! Dipugaaaaa!

Pero gaya ng pagkakakilala ko kay Pacquiao, hindi ito umaatras sa anumang laban na kanyang inumpisahan. Kesehodang binubugbog siya ng bashers, hindi iniinda ni Pacquiao ang mga masasakit na salita dahil desidido siyang ibuyangyang ang korapsyon.  “Ang mahalaga, alam nating mga Pilipino kung ano ang tunay na nangyayari sa ating mahal na bayan,” ayon kay Pacquiao.

Habang papalapit ang laban ni Pacquiao sa boksing, may paksiyon sa partido niyang PDP-Laban na kumikilos para tibagin siya dahil sa paniwalang nais nitong sungkitin ang pinakamataas na posisyon sa bansa. Hindi pabor ang paksyong ito na si Pacquiao ang kanilang maging pambato sa eleksyon sa halip isang “outsider” ang bet nilang gawing standard bearer sa 2022. Kaya naman inaasahang gagawa ang mga ito ng paraan para masibak si Pacquiao bilang acting president ng partido sa national council meeting ng PDP-Laban sa Hulyo 17.

Sa gitna ng mga hamon na ito sa landas ng isang Manny Pacquiao, batid ng mga supporters niya na hindi ito basta-basta susuko. Kung sa lona, inaasahan na makikipagbasagan ng mukha si Pacquiao at bibigyan niya tayo ng magandang laban. Kaya mga kosa, ‘wag kumurap! Bibigyan tayo ng magandang laban ni Pacquiao, hindi lang sa larangan ng boksing, kundi maging sa pulitika. Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with