^

Punto Mo

‘Wag maging kampante!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa kabila nang unti-unting pagbaba ng kaso ng COVID sa National Capital Region, aba’y walang puwang para maging kampante sa mga ipinatutupad na restriksyon.

Kasi nandyan ang banta ng bagong COVID variant na sinasabi ngang mas mapanganib at mas madaling makapanghawa.

May mga panukala na kasi ngayon,  na dapat nang luwagan  ang lockdown restrictions o ilang mga pinaiiral na protocol laban sa COVID dahil nga sa pagbaba na ng kaso sa NCR at karatig nitong lalawigan.

Base nga sa OCTA, posibleng matamo ng NCR at walo pang lugar sa bansa ang ‘herd immunity’ sa pagsapit ng Pasko.

Ito eh kung matitiyak at mahigpit na mamomonitor ng pamahalaan na hindi kakalat ang Delta variant.

Hanggang noong Hunyo 22, bagama’t nasa 2.2 milyon o 3.87 percent ng populasyon pa lamag ang ‘fully vaccinated’ sa NCR Plus 8, nasa 8.9 milyong doses na ng bakuna ang naipamahagi ng pamahalaan at inaasahang patuloy pa rin itong madaradagan sa mga susunod na araw.

Mukhang magiging iba na ang susunod na Disyembre kapag patuloy na bumaba ang naitatalang kaso.

Pero ika nga, ‘wag maging kampante, dahil sa matinding binabantayan na COVID variant.

Sa ngayon may 17 kaso nito ang naitala sa bansa, bagama’t sinasabing wala pang local cases nito sa Pinas kundi ang 17 ay galing sa mga incoming international travellers.

Hindi dapat pakasiguro ang pamahalaan sa posibleng surges nito, maging ang mga mamamayan eh dapat ding maging mapagbantay na sumusunod sa patuloy na pinaiiral na mga patakaran para ito malabanan at tuluyan nang makamit ang inaasam na ‘herd immunity’.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with