Kakaibang Eba (110)

TAMA ang hula ni Manong Berto. Kinabukasan habang nasa opisina si Piolo ay nag-ring ang phone niya. Sinagot niya kahit hindi kilala ang may-ari ng numerong tumatawag.

“Hello?’’

“Hello, Mang Piolo?’’

“Speaking. Sino po ito?’’

“Si Bianca po Mang Piolo.’’

Pinababa ni Piolo ang boses.

‘‘O Bianca napatawag ka.’’

‘‘Meron po akong sasabihin ukol kay Ate Mariz.’’

Natuwa si Piolo.

‘‘Ano ang sasabihin mo Mariz?’’

‘‘Alam ko po kung nasaan si Ate Mariz.’’

‘‘Talaga? Nasaan siya Mariz?’’

‘‘Ipangako mo po na hindi ito malalaman ni Ate Mariz. Huwag mo pong sasabihin na ako ang nagsabi kasi mahigpit ang bilin niya na huwag sasabihin kahit kanino. Mangako ka po Mang Piolo. Kasi kaya naman ako nagpasyang sabihin sa iyo ang kinaroroonan ni Ate Mariz ay dahil naaawa ako sa iyo...’’

‘‘Salamat Bianca. Tatanawin kong malaking utang na loob sa iyo ito. Hindi ko malilimutan ang ginawa mo.’’

‘May pakiusap lang po ako Mang Piolo na kung magkikita kayo ni Ate Mariz, sana ay hindi na siya umiyak...’’ tumigil sa pagsasalita si Bianca. Ilang sandali na nawala ang boses at saka nagpatuloy. ‘‘Labis po siyang nasaktan kaya ipinasyang lumayo. Gusto raw po niya sa isang lugar na mata­tahimik siya at makakapag-isip.’’

‘‘Saan ko siya makikita, Bianca?’’

Sinabi ni Bianca ang lugar.

‘‘Mangako ka Mang Piolo, kapag nagkita kayo ni Ate Mariz ay hindi na siya iiyak.’’

‘‘Pangako Bianca.” (Itutuloy)

Show comments