Kakaibang Eba (109)

LALO pang ginandahan  ni Piolo ang arte sa harap ng babae na nahahalata niyang natatangay na sa kanyang drama.

“Parang awa mo na. Nakikiusap ako. Ikaw lamang ang makakatulong sa akin para makita si Mariz. Kung gusto mo ay luluhod ako sa harapan mo para lamang ako pakinggan sa kahili-ngan.’’

Akmang luluhod na si Piolo sa harapan ng babae pero pinigil siya nito.

“Huwag po! Huwag ka pong lumuhod!’’

“Please sabihin mo na sa akin kung saan makikita si Mariz. Parang awa mo na. Hirap na hirap na ako.’’

“Sige po. Ibigay mo po sa akin ang contact number mo at in-case na may nalaman ako kay Ate Mariz ay ipaaalam ko agad sa’yo.’’

“Salamat nang marami. Sana maitawag mo agad sa akin para mabawasan na ang mga isipin ko.’’

“Sige po. Basta po may nalaman ako e agad kong itatawag sa iyo.’’

“Maraming sa-lamat. Puwede ko bang malaman ang pangalan mo?’’

‘‘Bianca po.’’

“Kaanu-ano mo si Mariz?’’

‘‘Pinsan ko po.’’

‘‘Kaya pala pareho kayo maganda.’’

Napangiti lang ang babae.

‘‘Sige Bianca, aasahan ko ang pagtawag mo.’’

“Sige po Sir.’’

Tumalikod na si Piolo.

Pero nakakaisang hakbang pa lamang siya ay tinawag muli ni Bianca.

‘‘Sir, ano nga po pala ang name mo?’’

“Piolo.’’

“Ano po surname? Pascual?’’

Nagtawa si Piolo.

‘‘Buenviaje – Piolo Buen­viaje. Hindi Piolo Pascual, he-he-he!’’’’

Nagtawa rin ang babae.

“Joke lang po, Sir.’’

Tumango si Piolo at umalis na. Tinungo ang kotse at sumakay.

“Anong nangyari, Pio­lo.’’

“Kinuha ng babae ang number ko at itatawag na lang kung may malalaman siya kay Mariz.’’

“Palagay ko bukas ay tatawagan ka na ng babae.’’

(Itutuloy)

Show comments