^

Punto Mo

Mga bayan sa Australia, binalot ng sapot ng mga gagambang lumilikas dahil sa baha

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGISING na lang ang mga residente ng isang rural na rehiyon sa Victoria, Australia, na nababalot na ang kanilang bayan ng sapot mula sa mga gagambang lumilikas dahil sa mga naging pagbaha roon.

Makikita sa mga larawan at video ang mga bahay at taniman na nababalot ng mga sapot.

Ayon kay Professor Dieter Hochuli ng University of Sydney ay natural lamang ang pangyayari matapos ang matitinding pagbaha.

Sadya raw kasing maglalabasan ang mga hayop na naninirahan sa ilalim ng lupa katulad ng mga gagamba kapag pinasok na ng baha ang kanilang mga lungga.

Dulot naman ng tinatawag na ballooning ang napakaraming sapot na bumabalot sa mga bayan sa Victoria.

May mga uri raw kasi ng gagamba na gagawa ng napakaraming sapot upang sila ay matangay ng hangin at makapunta sa ibang lugar na walang baha.

Ang malaking volume ng sapot na ito ang ngayon ay bumabalot sa mga bayan sa Victoria, paliwanag pa ni Hochuli.

 

 

vuukle comment

FLOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with