^

Punto Mo

Isda na may suot na gintong wedding ring natagpuan ng isang babae sa Australia!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG environmental conservationist mula sa Australia ang humihikayat sa lahat ng mga tao na panga­lagaan ang ating kalikasan matapos siyang makakita ng isang isda na may suot na gintong singsing!

Habang lumalangoy si Susan Prior sa Emily Bay sa Norfolk Island sa Australia, nakatagpo siya ng isda (isang sand mullet) na may suot na wedding ring sa leeg nito.

Bilang snorkeler at environmental conservationist, gawain na ni Prior ang sumagip ng mga isda at iba pang lamandagat na na-trap sa mga plastic at iba pang non-biodegradable na basura, pero nagulat siya dahil unang pagkakataon niya na makakita ng isda na naipit sa wedding ring!

Sa kasamaang palad, mabilis na nakalangoy papalayo ang sand mullet at hindi na ito natulungan ni Prior na makawala sa gintong singsing.

Pagkakagaling sa snorkelling, natunton ni Prior ang may-ari ng wedding ring na si Nathan Reeves at kinumpirma nito na naiwala niya ang kanyang wedding ring habang lumalangoy sa Emily Bay.

Ayon kay Prior, inilahad niya ang kuwentong ito sa kanyang mga social media accounts upang mamulat ang lahat ng mga tao na maging maingat sa pagtatapon ng mga bagay na maaaring makasakit sa mga maliliit na nilalang sa dagat.

Sa kasalukuyan, nakikipagtulungan na ang isang grupo ng mga mangingisda sa Emily Bay upang mahuli ang sand mullet at tulungan itong makawala sa gintong singsing.

vuukle comment

AUSTRALIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with