_pang-masa
^

Sarsuwelang presscon ng Zambo del Sur Medical Center!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - May 11, 2021 - 12:00am

ZAMBOANGA del Sur Medical Center, Gov. Victor Yu, Cong. Divina Grace Yu, Dr. Anatalio Cagampang at Dr. Romalyn­ De Castro, heads up ‘to para sa inyo!

Hinihimay-himay na ngayon ng BITAG ang kasong oppression o pang-aapi, panlalait, pambabalewala at pagpapabaya ng inyong ospital at ilan sa inyong mga medical staff.

“Challenge accepted!” Sagot namin sa ginawa niyong sarsuwelang presscon sa Pagadian nitong Biyernes.

Mababaon kayo sa mga documented actions and efforts made by BITAG Investigative Team. Mula sa pagkontak namin sa tanggapan ni Gov. Victor Yu , ang mismong ospital at sa personal at sariling klinika ni Dr. Cagampang.

Nung nakaraang Huwebes, inumpisahan na namin sa Chief of Police Pagadian City Police Station na si Lt. Col. Parson Asadil.

Walang kamuwang-muwang ito sa pambubugbog ng kanyang imbestigador na si Cpl Welito Nuena kay Rommel Aguilar sa loob mismo ng presinto. Nangako siya sa aming ipasisilip ang CCTV at visitor’s log book ng presinto.

Nakipag-ugnayan na rin ang BITAG sa Philippine Army 1st Tabak Infantry Division kay MGen. Generoso Ponio sa kagandahang-loob na ginawa ng kanyang mga tauhan.

Apat na sundalo ang sumalba sa pobreng si Rommel sa kamay ng abusadong pulis na si Cpl. Nuena. Hindi ito umalis ng presinto ng hindi pinapalaya si Rommel, isinakay pa ito sa tricycle at binigyan ng P500.

Kakaladkarin din ng BITAG ang tanggapan ni Cong. Divina Grace Yu na gumamit ng emisaryo para tawagan ang isa sa mga staff namin. Isang abogado mula sa tanggapan ni Congresswoman ang nagbigay ng numero ng isa sa aming Vice President.

Saka tumawag disoras ng gabi ang chief doctor ng Zamboanga Del Sur Medical Center na si Dr. Cagampang. Ayaw niyang magpa-interview at nakiusap pang huwag daw ipaalam sa akin ang kanyang pagtawag.

Ang kolokoy, kinaladkad sa presscon ang pangalan ng aking staff na kanya raw kinausap at «sinabihan ng lahat.» Kasinungalingan, dahil wala kang ipinaliwanag na kahit ano Dr. Cagampang.

Imposibleng hindi ito alam Gov. Yu. Ang Zamboanga Del Sur Medical Center ay nasa ilalim ng pangangasiwa ni Gov. Victor Yu na asawa ni Cong. Divina Grace Yu.

Ipakikita ng BITAG ang kanilang tangkang pagtakpan ang kakulangan, kahinaan at kapabayaan sa sistema ng nasabing ospital.

Sundan n’yo ang series of expose sa reklamong ito na aabot hanggang sa tanggapan ni bagong PNP chief Lt. Gen. Guillermo Eleazar.

Ginamit ni Dr. Cagampang ang Pagadian Police Station sa pamamagitan ni Cpl. Nuena na nambugbog kay Rommel Aguilar na huwag ituloy ang reklamo laban sa ospital.

Abangan ang mga susunod na hakbang ng BITAG Investigative Team!

 

ZAMBOANGA DEL SUR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with