_pang-masa
^

Internal cleansing target tutukan ni Gen. Eleazar!

RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - May 10, 2021 - 12:00am

Internal cleansing ang pangunahing nais tutukan ng bagong upong PNP Chief na si Gen. Guillermo Eleazar.

Dapat nang kabahan ang mga tiwali at pasaway na pulis dahil namumuro silang masama sa mga nais sibakin ni Eleazar.

At dahil sa malamang na marami ang mapuruhan kailangan din naman itong mapunuan.

Target ng bagong PNP chief na makapag-recruit ng nasa 17,000 mga bagong pulis na dadaan sa tamang recruitment.

Gayunman sa recruitment pa lang meron na rin siyang babala sa pagsasabing hindi mananaig ang mga bulong at palakasan.

Bibigyang pansin o pagbabasehan sa recruitment ay ang galing, talino at kapasidad  ng isang aplikante at hindi base sa rekomendasyon o bulong o ‘reseta’ o  mga referral letter ng ilan.

Sa mga padrino system nga naman kasi nagmumula madalas ang korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Natural meron kasing sinasandalan kaya sumosobra ang yabang at pang-aabuso ng ilan sa kapangyarihan.

Sa magandang pagtanggap ng iba’t ibang sektor sa pagkahirang kay Eleazar na pamunuan ang PNP, malaking hamon talaga ito sa kanya.

Malaki ang paniwala ng marami na sa kayang pamumuno malilinis nang tuluyan ang hanay ng pulisya na mistulang hindi pa rin nakakabangon sa kontrobersiya.

Talagang malaking hamon ito kay Gen. Eleazar na sa ating paniwala ay kayang-kaya niyang matugunan.

Muli,congrats po sir!

GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with