Bride sa India, kinansela ang wedding matapos hindi ma-recite ng groom ang multiplication table

HINDI itinuloy ng isang bride sa India ang pagpapakasal niya nang hindi ma-recite ng kanyang groom ang multiplication table bago ang kanilang wedding ceremony.

Hindi isinapubliko sa mga report ang pagkakakilanlan ng bride at groom, na nakatakda sanang mag-isang dibdib sa pamamagitan ng isang arranged marriage noong Mayo 1.

Bago ang kasal, sinabihan ng bride ang groom na i-recite ang multiplication table para sa bilang na dalawa dahil nagdududa siya sa educational background ng lalaki.

Nang hindi ito magawa ng groom ay agad na nag-walk out ang babae dahil hindi raw niya kayang makasal sa isang taong walang alam sa basic math.

Sumang-ayon naman ang pamilya ng bride sa kanyang naging pasya dahil hindi raw sinabi sa kanila ng pamilya ng groom na wala palang pinag-aralan ang lalaki.

Nagkasundo naman ang dalawang pamilya na magsaulian ng mga regalo nila sa isa’t isa matapos mabulilyaso ang kasal.

Show comments