^

Punto Mo

Kakaibang Eba (51)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ILANG minuto pang nag­hintay si Piolo sa kaibigang si Jigo. Umaasa siyang nasa paligid lamang ito. Baka mayroon lang binili sa tindahan sa di kalayuan.

Pero walang dumating na Jigo.

Lalong lumakas ang kaba ni Piolo nang maisip na baka na-engkanto si Jigo.

Hindi kasi nito sinunod ang payo ng sekyu na si Berto na baliktarin ang suot na damit. Hindi naniniwala si Jigo sa engkanto.

Tinawag uli niya si Jigo.

Sa pagkakataong ito ay malakas na ang pagtawag niya.

Sumigaw na siya nang todo.

“Jigoooo! Jigooooo!’’

Pero walang sumasagot.

Kalahating oras na siyang naghihintay. Wala pa rin si Jigo.

Hanggang sa ipasya na niyang tawagan ang sekyu na si Manong Berto.

‘‘Manong Berto, nawa-wala po si Jigo. Wala po siya rito sa entrance gate.’’

‘‘Sinasabi ko na nga ba! Ang tigas kasi ng ulo!’’

“Tulungan mo ako Manong.’’

“Sige at hahanapin ko. Huwag kang aalis sa kinaroroonan mo at baka ikaw naman ang mawala.’’

“Opo.’’

Makaraan ang limang minuto. Tumawag si Manong Berto.

“Nakita ko na si Jigo. Nasa may puno ng balete! Halika rito Piolo pero baliktarin mo uli ang damit mo.’’

Sinunod ni Piolo ang sinabi ni Manong Berto. Pinuntahan niya si Jigo sa puno ng balete.

Shock siya sapagkat nakaupo ito sa ilalim ng puno. Pagod na pagod at uhaw na uhaw! (Itutuloy)

 

 

vuukle comment

KAKAIBANG EBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with