_pang-masa
^

Pagsasaliksik na ginawa at mga naging resulta (Part 2)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - April 22, 2021 - 12:00am

1. Nais malaman ng pagsasaliksik kung ano ang totoong average erect penile length. Ang resulta ay nalathala sa Journal of Sexual Medicine . Bukod sa aalamin ang average erect penile length, ano ang epektibong  paraan upang makuha ang “honest” na sagot ng mga respondents? Ang sumali sa pag-aaral ay 1,661 sexually active men na nasa edad 18 pataas at nakatira sa United States.

First method: Susukatin lang ang sariling penis at ipapadala thru email ang measurement: Length at circumference. Ang lumabas na average length ay 6.1 to 6.5 inches at ang circumference ay 4.8 to 5.4 inches.

Second method: Kaharap ang isang scientist na tutulong sa pagsukat. Hindi na ito itinuloy dahil ang nagpasukat lang nang may supervision ng scientist ay ‘yung “well-endowed”. Kaunti lang ang dumating para magpasukat. Napahiyang magreport ‘yung may “cocktail size”. Kaya wala itong resulta.

Third method: Sinabihan ang mga respondents na bibigyan sila ng free condoms kaya maging honest sila sa ibibigay na sukat. Kung mali ang sukat, sayang naman ang ibibigay ng condom at hindi magagamit. Ang lumabas na average length ay 5.1 to 5.7 inches at ang circumference ay 4.7 to 4.8 inches. Mas naging honest ang mga respondents sa third method dahil sa incentive na condom. Mapapatapon lang ang free condom kung hindi kasya sa kanila. Kaya ang resulta sa third method ang mula sa honest answer kaysa resulta sa first method na pulos exaggerated ang sukat.

2. Pagkatapos magsagawa ng 1,800 studies ang Australia’s National Health and Medical Research Council, nagkaroon ng final conclusion ang mga scientists na ang  homeopathic reme­dies ay hindi epektibo. Ang homeopathic remedy ay paggamit ng natural substances kagaya ng dahon, ugat ng halaman, katas ng prutas, langis mula sa halaman at iba pa, upang gamiting panggamot sa sakit.

MEDICINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with