^

Punto Mo

EDITORYAL - Patuloy ang pagmimina ng dolomite?

Pang-masa
EDITORYAL - Patuloy ang pagmimina ng dolomite?

ITINULOY ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagtatambak ng dolomite sa bahagi ng Manila Bay. Itinigil ang pagtatambak sa Manila Bay noong nakaraang Nobyembre dahil dinudumog ng mga nag-uusyong mga tao at nasisira ang health protocol. Sabi ni DENR Sec. Roy Cimatu, ang muling pagtatambak ng dolomite ay bahagi pa rin ng beautification project ng Manila Bay na may pondong P389 milyon. Noong nakaraang taon, binatikos ang pagtatambak ng dolomite dahil aanurin lamang ito nang malakas na alon kapag may bagyo. Sa halip daw na dolomite, taniman ng bakawan para mayroong proteksiyon ang dalampasigan. Pero ipinagtanggol ni DENR Usec. Benny Antiporda ang mala-Boracay na dolomite beach. Matagal na raw plano ang paglalagay ng dolomite sa bahagi ng Manila Bay. Galing ang dolomite sa Alcoy, Cebu.

Isang malaking katanungan din ngayon ay ang patuloy na pagmimina ng dolomite. Ipinag-utos noong nakaraang taon ni DENR Sec. Cimatu na suspendihin ang operasyon ng dalawang mining companies na nagmimina ng dolomite para maimbestigahan kung may paglabag ang mga ito. Ang dalawang mining companies ay ang Dolomite Mining Corp. (DMC) at Philippine Mining Service Corp. (PMSC). Inatasan ni Cimatu ang Environmental Management Bureau (EMB) na magsagawa ng test sa kalidad ng hangin at tubig sa lugar kung saan nasira ang mga coral. Mananatili ang suspension ng dalawang mining companies hangga’t hindi natatapos ang masusing imbestigasyon ng EMB. Mananagot umano ang dalawang kompanya kapag may paglabag na nagawa. Ayon sa report, ang DMC ay may 25-year mineral production sharing agreement (MPSA) kung saan may kabuuang 524 hectares ang sakop ng pagmimina sa Alcoy samantalang ang PMSC ay may processing permit hanggang 2023. Sabi ng dalawang mining companies, makikipag-cooperate sila sa imbestigasyon ng DENR.

Ngayong itinuloy na ng DENR ang pagtatambak ng dolomite sa Manila Bay, ibig sabihin patuoy ang pagmimina sa Alcoy, Cebu? Nasaan na ang direktiba ni Cimatu na pagsuspende sa dalawang mining companies? Pakitang tao lamang ba ito?

Masasagot din ito ng mga opisyales ng Cebu. Natigil nga ba ang operasyn ng dolomite mining companies sa kanilang lugar o hindi? Sila ang dapat manguna sa pagpiyok sapagkat nasisira ng dolomite mining ang kanilang nasasakupan.

 

vuukle comment

DENR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with