^

Punto Mo

2 drug pushers ‘nanlaban’, tigok!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

GUMAWA ng history ang tropa ni Brig. Gen. Remus Medina, director ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) matapos makarekober ng aabot sa 46 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P312 milyon sa sunud-sunod nilang accomplishments nitong nagdaang mga araw.

Kasi nga mga kosa, nadale na naman ng mga bataan ni Medina ang dalawang drug pushers sa Las Piñas City noong Martes kung saan nakumpiska nila ang 31 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P210 milyon. Maliban sa shabu, anim na drug pushers na ang napaslang matapos manlaban sa mga operatiba ng PDEG sa mga isinagawa na drug stings sa Pasay City, Parañaque City, Cebu at Las Piñas City.

Magkahiwalay na grupo itong naengkuwentro ng PDEG, at ayon kay Medina mga old stocks ang inilalabas na shabu. Itinago ng drug syndicates ang kanilang supply na shabu matapos mailagay ang NCR Plus sa enhanced community quarantine (ECQ) dahil tumataas ang kaso ng COVID sa Metro Manila, Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal.

At para mabuhay ang ekonomiya ng bansa, ibinaba sa MECQ ang NCR Plus kaya naglabasan ang mga itinatagong shabu ng drug syndicates. Ang hindi lang nila alam, nakaantabay na sa kanila ang mga tropa ni Medina. Araguuyyyy! Hak hak hak! SWAK silang lahat at sana madagdagan pa itong accomplishment ni Medina. Mismooooo!

Kasama ang mga tauhan ni Brig. Gen. Ely Cruz, director ng Southern Police District (SPD); NCRPO, NICA, at CIDG-Camp Crame, ikinasa ni Medina ang drug sting kina Jen Jieko Amarga, at Andrew Garcia patungkol sa isang kilo ng shabu sa halagang P1.5 milyon.

Nagkasundo siang magkita bandang 10:00 p.m. noong Martes sa madilim na parte ng Brgy. Pamplona 3 sa Las Piñas City, na ayon kay PNP chief Gen. Debold Sinas, ay kita nila ang lahat ng mga dumadating na tao. Mautak din itong sina Amarga at Garcia, ‘no mga kosa?

Kaya lang, matapos maiabot ang shabu sa police poseur buyer, biglang bumunot ng baril ang dalawang suspect matapos mabatid na pulis ang kanilang kausap. Bumulagta kaagad ang dalawa sa mga nakapuwestong mga awtoridad. Araguuyyyy! Hak hak hak! Goodbye na lang sa dalawang drug pushers, na ayon kay Sinas, ay mga new players na gustong kumita ng madalian. Get’s n’yo mga kosa?

Nakuha sa dalawang suspects ang isang kulay green na ecobag na naglalaman ng isang kilo ng shabu na nakabalot sa Chinese tea na Qing Shan at dalawang kalibre .45 na baril na Para Ordnance. Sa Mica Red Toyota Innova (DAY 1328) ang 30 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P218 milyon, at ang P1.5 milyon boodle money.

Sinabi ni Sinas na sina Amarga at Garcia ay mga distributor ng shabu ng alyas Rambo/Boss na miyembro ng Sputnik Gang. Kasama sila sa Amarga Drug Group kung saan ang mga miyembro ay mga Pinoy at Chinese nationals.

Siyempre, ang source nila ng shabu ay mga Chinese nationals din na nakabase sa bansa na ang nakaupo sa ngayon ay military junta. Ang imbakan nila ng droga ay ang isang warehouse sa Pampanga. Araykupooooo! Paging Pampanga PD Col. Tom Ibay! Abangan!

 

vuukle comment

REMUS MEDINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with