_pang-masa
^

May batas ba laban sa sobrang taas na interest sa utang?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos (Pang-masa) - April 11, 2021 - 12:00am

Dear Attorney,

May utang po ako na 6% monthly ang interest rate. Naisip ko lang po na sa isang taon ay papalo po ang interest ng 72%. Hindi po ba labag sa batas ang ganoong kataas na tubo at wala po bang batas na nagbabawal nito? —Andy

Dear Andy,

Sa ngayon ay walang batas na naglalagay ng ceiling o limitasyon sa kung gaano kataas ang maaring ipataw na interes ng nagpapautang. Ang tanging requirement lang upang makapagpataw ng interest sa principal ay ang pagkakaroon ng malinaw na kasunduan para sa pagpapataw nito at ang kasunduang ito ukol sa interest ay nakasulat.

Sa madaling sabi, malaya ang nagpapautang at ang umuutang na magkasundo kung may interest ba ang utang at kung gaano kataas ito.

Sa kabila nito, ilang beses nang naglabas ng desisyon ang ating Korte Suprema laban sa sobrang taas na interest. Sa isang kaso ay ipinagpalagay na masyadong mataas ang 6% na interest kada buwan.

Ayon sa Korte Suprema, kahit pa malaya ang mga partido na magkasundo ukol sa pagpapataw ng interest, maari pa ring ipawalang-bisa o pababain ng korte ang interest kung mapatunayang “unconscionable” ito o sobra na at hindi na patas.

Maari mong kausapin ang pinagkakautangan mo at makiusap ka na  kung maari ay babaan ang interes ng iyong utang at ipaliwanag mo ang mga nabanggit ko.

Gayunpaman, kung sakaling umabot kayo sa demandahan at sakaling ipawalang-bisa ng korte ang kasunduan niyo ukol sa interest, tandaan na hindi ibig sabihin nito ay wala ka ng pananagutan.

Kahit pa wala nang interes ay nanatili pa rin ang obligasyon ng umutang na ibalik ang halagang kanyang hiniram kaya’t anuman ang mangyari ay babayaran at babayaran mo pa rin ang iyong inutang.

LAW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with