^

Sex 101: Nakaaaliw na kaalaman (Part 4)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - April 9, 2021 - 12:00am

1. Higit kumulang na 85 calories ang nasusunog kada 30 minuto ng pagtatalik.

2. Kapag ang isang babae ay nasa gitna ng “kasukdulan” (orgasm), ang bahagi ng kanyang utak na nagdidikta ng pakiramdam na takot ay nakasara.

3. Ang mga taong nagsasabing sexually satisfied sila ay nirerespeto ang kanilang partner.

4. Mula sa isang pag-aaral na ginawa—mas madalas ang pagtatalik ng mag-asawang nagtutulungan sa gawaing bahay.

5. Isa sa bawat apat na Americans ay laging pagod kaya natatamad makipagtalik sa kanyang asawa.

6. Ang mga African-Americans at Hispanics ay mas madalas makipagtalik bago matulog sa gabi kaysa  mga purong whites at Asians.

7. Mga 56 percent ng mga Amerikano ang nangangarap na sana ay mas malaki pa ang kanilang penis dahil nakakataas daw iyon ng tiwala sa kanilang sarili.

8. Lalong nagiging maligaya ang sex life ng isang tao kung umuunlad ang kanyang paniniwalang espiritwal.

9. Ang mag-asawang walang TV sa loob ng kanilang bedroom ay mas madalas magtalik kaysa may TV sa kanilang bedroom.

10. Base sa research na ginawa sa 900 pelikulang naipalabas sa nakaraang apat na taon sa US, natuklasan nilang ang pelikulang may temang sex at walang habas na hubaran ay hindi nagtatagumpay sa box office.

SEX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with