Tree planting ng SMC, umani ng papuri!

MALAKAS ang dating ng plano ni San Miguel Corpo-ration President at COO Ramon S. Ang na magtanim ng aabot sa 200,000 mangroves sa mga tabing dagat ng Bulacan para pigilan ang malakihang pagbaha kaya’t hindi nakapagtataka kung umani ito ng papuri. Hindi naman kaila sa inyo mga kosa na kapag tinamaan ng malakas na bagyo ang Pinas, aba mara-ming mababang lugar ang binabaha at maraming mga Pinoy ang nagbubuwis ng buhay. Bilyones din ang napipinsalang mga tahanan at kagamitan.

Kaya mapalad itong taga-Bulacan dahil may isang Ramon S. Ang na kusang kumilos para hindi bumaha ang kanilang lugar. Kung sabagay, ang pagtanim ng mangroves din ang iminungkahi ng environmental experts nang sa gayon maiwasan ang pagbaha sa Bulacan kung saan ipatatayo ang makabagong Manila international airport na pinondohan ng SMC ni Ang, o RSA sa business community.

Pinuri ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) chairman at acting admi-nistrator Reynaldo V. Velasco ang proyekto ni RSA at hinikayat niya ang ibang pilantropong Pinoy at LGUs na tularan ito para pigilin ang pagbaha sa bansa. Sinamahan si Velasco ng MWSS Annual Million Tree Challenge at ng Million Trees Foundation Inc. (MTFI) sa pagbigay puri kay RSA sa kanyang magandang adhikain. Sinabi ng environment experts na ang mangroves ang sasagupa sa tubig-baha tuwing may bagyo kaya malaki ang papel nito sa kalikasan. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Napag-usapan na din lang ang baha, hindi lang ang pagtanim ng mangroves ang proyekto ni RSA kundi maging ang paglinis, paghukay at pagpalawak ng mga ilog tulad ng Marilao-Meycauayan-Obando river system sa Bulacan pa rin. Hindi lang ‘yan! Nagsasagawa rin si RSA ng coastal clean-up sa Tullahan-Tinajeros river system na nagsimula sa Manila Bay sa Navotas hanggang sa Tinajeros Bridge sa Bulacan.

Hindi naman pahuhuli ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at pinahukay din ang ilog mula sa Tinajeros Bridge hanggang Bgy. Potrero sa Malabon at sa Valenzuela City. Dahil sa mga proyekto ni RSA, aba nagresulta ito sa hindi pagbaha ng mga bahain na lugar sa Malabon at Navotas ng nakaraang taon. Mismooooo!

Kaya nagpahayag si RSA na handa na ang SMC para isulong ang kasunod na yugto ng kanilang river clean-up at flood management na ang ibig sabihin nito ay maraming trabaho. Wow...Sana all para maibsan ang magugutom na Pinoy sa panahon ng pandemya. Mismooooo!

Kung sabagay, malaki rin ang partisipasyon ni RSA sa 5-year watershed rehabilitation project sa pitong critical watershed areas hindi lang sa Metro Manila kundi maging sa mga probinsiya ng Rizal, Cavite at Bulacan sa pamamagitan ng pagtanim ng 1 milyon na kahoy kada taon, ani book publisher, author at communication specialist Melandrew Velasco.

Bilang MTFI head, sinisiguro ni Velasco na itutuloy nila ang proyekto ng ATMC, lalo na sa 142 critical watersheds sa Pinas, ayon sa River Basin Control Office ng DENR. Ayon pa kay Velasco, gagamit sila ng makabagong teknolohiya sa kanilang mga proyekto para mapakinabangan ito ng Pinas sa lalong madaling panahon. Abangan!

Show comments