^

Punto Mo

Bumabalik sa dati!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Saktong isang taon na ang nakalipas nang isailalim sa mahigpit na enhanced community quarantine ang buong Luzon kabilang ang Metro Manila dahil sa COVID-19.

Ilang buwang hindi nakapagtrabaho o natengga ang maraming manggagawa dulot ng lockdown kaya kinailangang magbigay ng tulong at ayuda ang gobyerno sa marami nating kababayan na naapektuhan.

Bago matapos ang taong 2020, naramdamang  mukhang pabalik na tayo sa normal dahil sa pagbaba ng kaso ng COVID hanggang sa unang buwan ng 2021, kaya nga nagpatupad nang kaunting kaluwagan para sa pagbabalik ng ekonomiya.

Pagpasok ng Marso mukhang nabago ang takbo at  tila nauulit na naman ang nangyari noong kasagsagan ng lockdown.

Umaabot sa mahigit 5,000 ang naitatalang mga bagong kaso sa isang araw na lubhang nakakabahala.

Nagpapatupad na muli ng unified at mahabang curfew sa Metro Manila.

Itinaas na rin ang ‘red flag’ sa rehiyon dahil sa mataas na kaso ng COVID.

Ang mga ospital, umaaaray na rin dahil sa umaapaw na ang mga COVID patients.

Parang ganitong-ganito nga ang naging eksena noong nakalipas na taon sa eksaktong petsa.

Ang pagkakaiba lang noon wala pang naiuulat na mga bagong variant ng COVID kaysa ngayon na iba’t ibang variant ng virus ang nakumpirmang nasa bansa na.

Mga variant na mas mabilis na makahawa at ang iba ay masasabing mas nakamamatay.

Kung naging matindi ang paghihigpit na ginawa natin noong, mas lalong mahigpit na pagbabantay ang dapat isagawa ngayon.

Mas lalong mahirap na bumalik uli sa matinding lockdown, dahil kung may tulong man na maibigay ang pamahalaan ay hindi na marahil magiging katulad nung dati dahil sa ubos na rin ang kaban.

Kailangan na ngayon ang disiplina sa sarili sa pagsunod sa pinaiiral na protocols, wag maging pasaway, matakot sa mas matinding maidudulot ng virus kung patuloy itong lalaganap.

Hindi lang kalusugan muling maaapektuhan kundi maging ang kabuhayan. 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with