^

Punto Mo

Serbisyo ng pito sa pulis-MPD, ibinalik ni Gen. Francisco!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

IBINALIK ni Manila Police District (MPD) director Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco ang serbisyo ng pito para iiwas ang kanyang mga tauhan sa away at kapahamakan. Napuna kasi ni Francisco na sa isang simpleng bagay lang o di kaya’y pagsita ng pulis sa mga tumatawid ng kalye, maraming di-pag­kakaunawaan ang nangyayari na minsan ay nauwi pa sa madugong kumprontasyon. Malimit sa trapiko nangyayari ito kung saan ang pulis ay nagpapatupad lang ng batas subalit na-misinterpret sila at inakusahan na bastos, at wala sa lugar o hindi tama ang pagsita sa lumalabag sa batas. At ang resulta? Palagi namang makikita sa mga post sa social media, o sa diyaryo, TV at marinig sa radyo ang sigawan ng magkabilang panig na humantong sa madugong sagupaan. Get’s n’yo mga kosa? Subalit kapag ang mga pulis MPD ay armado na ng pito o silbato, gagamitin nila ito bilang paunang senyales na may otoridad sa paligid at sinisita ang Pinoy sa paglabag nila ng batas, ani Francisco. Iginigiit ni Francisco na itong pito, connotes authority kaya’t ang mga nakarinig nito ay kadalasan humihinto sa kasalukuyang ginagawa at nakiramdam ng sitwasyon sa kalsada o sa kanilang kapaligiran. At ang siste nito? Maiwasan ang mainitang sagutan at ang mga pulis ay mailayo sa kapahamakan. Mismooooo! Hak hak hak! Pabor si Philippine National Police chief Gen. Debold Sinas sa plano ni Francisco dahil itong pito o silbato ay kasama dapat sa PNP uniform.

Sa totoo lang, ang pito ay kasama sa blue General Office Attire A (GOA-A) ng mga opisyal at GOA-B at C naman sa mga enlisted personnel ng PNP sa ilalim ng Resolution No. 2008-228.  Nakakabit ito sa tinatawag na lanyard at naka-display sa kaliwang bulsa sa dibdib na nakaikot naman sa kanilang kaliwang balikat. Subalit sa kasamaang palad,lumipat sa bushcoat blue ang uniform ng PNP kaya’t kasamang natigok ang lanyard at pito. Araguuyyyy! Hak hak hak!

Hindi pa naman huli ang lahat dahil inumpisahang ibalik ito ni Francisco at malaki ang posibilidad na ipatupad din ito ni Sinas sa iba pang police units sa bansa dahil t’yak epektib ito. Mismooooo!

Sa ngayon, halos lahat ng 14 police stations ng MPD ay armado na ng pito at kasama sa gastusin ito ng PNP sa ilalim ng Replacement Clothing Allowance (RCA). Ipinaliwanag ni Francisco na maraming gamit ang pito at kapag tumunog ito ang ibig sabihin ay warning ito sa nagaganap na krimen, may sunog sa kapaligiran o may nangyayaring aksidente o sakuna. Imbes na sumigaw ang pulis, aba pito na lang ang gagamitin. Get’s n’yo mga kosa? Siyempre, kapag ginamit na ng pulis ang kanilang baril, aba mayroong matigas ang ulo na Pinoy. Araguuyyyy! Hak hak hak! Kaya’t sa mga pasaway na mga Pinoy d’yan, mag-isip ng malalim kapag nakarinig kayo ng tunog ng pito sa Maynila ha? Hehehe! Para mailayo kayo sa disgrasya! Mismooooo!

Sa utos ni Francisco, ang pito ay dapat nakalagay sa bulsa ng mga pulis. At dapat kapag may problema, ang pito ang una nilang damputin at hindi ang kanilang baril para malayo sila sa kaso. T’saka ibinilin din ni Francisco na walang hiraman ng pito ang mga pulis dahil lumalakas pa ang COVID-19 sa Maynila. Mismooooo! Hak hak hak! Ano ba ‘yan? Abangan!

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with