^

Punto Mo

Ang ‘pasaway’ at ang taga-bantay!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Apat nang magkakasunod na araw kung saan mahigit sa 3,000, habang kahapon ay mahigit naman sa 2,000 ang naitatalang mga bagong kaso ng COVID sa bansa na talaga namang nakakaalarma.

Bagama’t hindi ito kinokonsidera na second wave dahil hindi naman umano na-flatten ang COVID case sa bansa, ayon sa WHO,  ang pag-alagwa ng bilang ay talagang nakakabahala.

Nagsimula lang naman umano ito nang magpatupad nang bahagyang kaluwagan sa mga pinaiiral na patakaran para sa pagbubukas ng ekonomiya.

Nakikita ring dahilan dito ay dahil sa mga ‘pasaway’.

Marami umano ang naging kampante at hindi na sumunod sa mga pinaiiral at hindi nagbabago na mga health protocol.

Talaga namang kung oobserbahan, dumami talaga ang mga pasaway na simpleng patakaran eh hindi na sinusunod.

Kung ganito naging kampante ang marami, mukhang naging relax din ang mga kinauukulan sa kanilang mandato na magbantay.

Nandiyan na nga ang mga pasaway, ang masaklap nawala pa rin ang mga dapat eh nagbabantay at sasaway.

Kahapon may kautusan ang DOTR  sa transport sector na tiyakin naipapatupad ang health protocols.

Sa totoo lang, isa ito sa hindi talaga nasubaybayan sa mga nakalipas na buwan, lalo na ang mga pampublikong sasakyan.

Ang dating mahigpit na pagbabantay mukhang naging lousy, kahit pa nga kitang-kita na ang maraming paglabag.

Tulad na lamang sa mga pampublikong jeepney, dapat malinaw kung pinaiiral pa rin ba ang plastic barrier. Eh mukhang hindi na ito nasusunod. Ang plastic barrier sa loob ng mga jeep, mistulang naging banderitas na lamang.

Hindi na rin nasusunod ang distancing.

Kung naging kampanya ang publiko, naging kampante rin sa pagsubaybay ang ilang ahensya ng gobyerno.

Ika nga sa kasabihan, ‘when the cat’s away the mice will play’.

Aminin na natin na maraming Pinoy kahit na nga may nagbabantay nandyan pa rin at pasaway , eh ‘di lalo na kung wala ang bantay, piyesta ang mga yan.

Sa ngayon kailangan talaga ito ang matutukan, kung talagang gusto nating bumaba ang bilang ng may COVID, mapigilan ang hawaan at makabalik na  sa normal .

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with