^

Punto Mo

Kakaibang Eba (6)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BINILISAN ni Piolo ang paglalakad para mahabol ang nakasalubong na babae. Kilala niya ang babaing iyon pero hindi niya alam kung saan at kung kailan nakita. Basta kilala niya ang babae.

Halos may mabangga na si Piolo sa mabilis na paglalakad para lamang maabutan ang babae. Maraming tao sa Ayala Avenue dahil labasan ng mga empleado. Halos ay nagmamadali sa paglalakad para makasakay agad ng bus o dyipni.

Nakita niyang pumasok sa underpass ang babae. Lakad-takbo na ang ginawa niya pero hindi pa rin niya kayang magmabilis dahil may mababangga siya.

Nakarating siya sa underpass. Hindi na siya nag-escalator para maging mabilis ang ang paghakbang niya.

Pero pagliko niya sa ilalim ng underpass, nawala na ang babae. Tumigil siya at nagpalinga-linga. Bakit nawala?

Ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Binilisan niya. Hanggang marating ang hagdanan. Umakyat siya. Nasa kabilang panig na siya ng Ayala Avenue.

Nawala na ang babae!

Tinungo niya ang waiting shed na hinatayan ng pasahero. Tiningnan kung naroon ang babae. Wala!

Hinayang na hinayang siya.

Hindi agad siya umalis sa kinatatayuan at nagbabakasa-kaling makita ang babae.

Pero wala na!

Ipinasya na niyang bumalik sa pinanggalingan. Habang naglalakad pilit niyang inaalala kung saan nakilala o nakita ang babae. Pero blanko ang isipan niya. Wala siyang maalala.

Kahit anong pilit niyang pag-recall, wala talaga siyang maalala.

Bukas, susubukan uli niyang hanapin dito ang babae! Tiyak na dumadaan dito araw-araw ang babae dahil halata sa suot na uniporme ay maaaring empleada ng banko o insurance. (Itutuloy)

 

vuukle comment

KAKAIBANG EBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with