^

Maari bang gawin ang pagsisante sa pamamagitan ng salita lang?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos (Pang-masa) - March 5, 2021 - 12:00am

Dear Attorney,

Isa po ang asawa ko sa mga natanggal sa kanilang kompanya na nagbabawas ng empleyado dahil sa pagkalugi. Tama po na basta na lang silang sinabihan na sila ay tanggal na sa trabaho sa susunod na linggo? Bibigyan naman daw sila ng separation pay pero ito ay sa salita lang at wala man lang kahit anong nakasulat kung saan naka-detalye ang dahilan ng kanilang pagkakatanggal. Wala man lang ding grace period na ibinigay para sila ay makahanap ng bagong malilipatan. — Grace

Dear Grace,

Kung ang dahilan ng pagkakatanggal ng iyong asawa ay upang makaiwas ang kompanya sa pagkalugi, nakasaad sa ating Labor Code na dapat ay pinadalhan siya ng kompanya niya ng written notice kung saan nakasaad ang kanyang pagkakasisante at ang dahilan nito.

Dapat din ay naibigay sa kanya ang sulat na ito 30 araw bago ang nakatakdang araw ng kanyang pagkakatanggal sa trabaho.

Kailangan din na isumite ng kompanya ang notice sa pinakamalapit na Regional Office ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Mahalaga ang pagsunod sa tinatawag na due process o tamang paraan ng pagsisisante dahil maaring pagmultahin ang mga employer na hindi susunod dito, kahit mapatunayan pa nilang may sapat silang dahilan upang tanggalin ang kanilang empleyado.

 

EMPLOYEE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with