^

Inabandonang tupa, nabalot ng higit 35 kilong balahibo bago na-rescue

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - March 5, 2021 - 12:00am

ISANG tupa sa Australia ang na-rescue matapos abandonahin ng kanyang amo ang kinailangang gupitan kaagad ng balahibo dahil sa sobrang kapal nito.

Sa kapal ng balahibong tumubo sa tupang si Baarack ay nabawasan kaagad ang timbang niya ng higit 35 kilos matapos siyang gupitan.

Ayon sa animal rescuers na sumagip kay Baarack, ilang taon na raw namumuhay mag-isa ang tupa sa kakahuyan ng Lancefield, Victoria matapos itong pabayaan ng kanyang amo.

Kinailangang gupitin kaagad ang napakakapal na balahibo ni Baarack dahil bukod sa napakabigat na nito, umabot na rin ang balahibo sa kanyang mga mata kaya nahihirapan nang makakita ang tupa.

Ngayon ay nasa pangangalaga na ng kanyang mga res-cuers si Baarack, na permanente nang maninirahan sa kanilang pasilidad na para sa mga inabandonang hayop.

AUSTRALIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with