^

Punto Mo

Japanese noodle brand, naglabas ng instant noodles na may habang tatlong talampakan!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

TULAD ng mga Pinoy, naniniwala rin ang mga Japanese na nakakapagbigay ng mahabang buhay ang mahabang noodles kaya ang isang sikat na instant noodle brand doon ay naglabas noong nakaraang lunar new year ng instant soba na may noodles na may habang three feet  o katumbas ng 36 inches!

Bukod sa mahabang noodles, may mahaba rin itong pangalan: Donbei Tempura Soba Istumo Yori Nagai Choju Kigan Soba na ang ibig sabihin ay: Donbei Tempura Soba, mas mahaba sa nakasanayan upang mabiyayaan ka nang mahabang buhay.

Ayon sa kompanya na naglabas ng produkto, inilunsad nila ito dahil nakasanayan na ng mga Hapones na kumain ng Soba tuwing New Year dahil nagbi­bigay simbolo ang mahabang noodles nito nang mahabang buhay.

Naisipan nila na mas maganda kung puwede itong kainin sa pang araw-araw sa mas madaling paraan at murang halaga.

Nagkakahalaga ang instant soba ng 193 Yen. Sinimulan itong ibenta sa merkado noong nakaraang Pebrero 8, 2021.

 

 

vuukle comment

NOODLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with