^

MPD, blanko pa sa pagdukot sa pulis sa Binondo!

SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - February 24, 2021 - 12:00am

HALOS isang linggo na ang pagdukot ng 10 kalalakihan kay Cpl. Larry Hilario subalit hanggang sa ngayon hindi pa malaman ni Manila Police District (MPD) director Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco kung ano ba talaga ang motibo at kung sino ang may kagagawan nito. Nagsagawa ng backtracking ang mga tauhan ni Francisco sa lahat ng CCTV footages na maaring daanan ng mga suspect lulan ng Crosswind at Honda. Kinausap naman ng mga imbestigador ng MPD ang asawa ni Hilario na nagsasabing wala siyang alam na kaaway ang kabiyak na pulis subalit tikom ang bibig nito pagdating sa “extra curricular activities” ng huli.

Lumutang din ang mga tsismis na si Hilario ay sangkot sa mga holdapan sa mga Intsik na nangangasiwa sa POGO subalit binalewala ito ni Francisco dahil wala silang ebidensiya tungkol dito. Inamin ni Francisco na kasama sa iniimbestigahan ng kanyang intelligence officer ang holdapan ng POGO kaya lang hindi pa lumulutang ang pangalan ni Hilario. Araguuyyyy! Hak hak hak! Lulutang din ang katotohanan tungkol sa pagdukot kay Hilario at holdapan sa POGO, di ba mga kosa? Mismoooo!

Ang pagdukot kay Hilario sa kanto ng Sto. Cristo at San Fernando Sts. ay nakunan ng amateur CCTV, ani Francisco. Halos 600 CCTV footages na ang na-backtrack ng MPD subalit hindi pa makita kung saan dumiretso ang dalawang sasakyan na kumidnap kay Hilario. Alam n’yo naman sa Maynila mga kosa, halos lahat ng barangay ay armado ng CCTV sa utos ni Manila Mayor Francisco Domagoso kaya hindi nalalayo na ma-trace ang dalawang sasakyan.

Mag-isa si Hilario na naka-duty nang siya ay dukutin kaya iniutos ni Francisco na imbestigahan si Col. Rollyfer Capoquian, ang hepe ng Station 11 sa Binondo kung bakit nagkaganun samantalang pinapairal ng PNP ang “buddy-buddy” system sa pagpatrulya sa kalye. Nag-warning si Francisco na kapag napatunayan na palpak ang deployment ni Capoquian ng kanyang mga tauhan, aba dadamputin siya sa kangkungan. Ano ba ‘yan! Hak hak hak! Sobrang tapang naman ng mga suspect at naka-uniporme pa si Hilario nang dukutin.

Sinabi naman ni Francisco na may mga suspect na sila sa holdapan sa POGO noong Peb. 4 kung saan P8 milyon ang nakuha nila samantalang noong Nob. naman ay P40 milyon. Ang pera ay para sa suweldo ng mga trabahador sa POGO, aniya. Ang modus operandi ng mga suspects na pulis ay susundan ang mga POGO mula sa Binondo kung saan wini-withdraw ang pitsa at pagdating sa Pasay ay hoholdapin ang mga ito.

May hawak na CCTV footage si Francisco kung saan makikita ang dalawang naka-motor na pulis na sinusundan ang kanilang biktima. Kahit may suot na facemask ang dalawang pulis, kilala na ang mga ito subalit ayaw munang ibulgar ni MPD director ang kanilang pagkakilanlan hanggang masukol lahat sila at makulong. Araguuyyyy! Hak hak hak! Nasa tamang landas lang si Francisco, di ba mga kosa? Mismoooo!

Sa kanyang FB account naman, makikita si Hilario na ipinagmamalaki ang kanyang 2021 Toyota Fortuner, Mitsubishi Expander at 2 N-Max na mamahaling motor. Ang nakita lang ng mga tauhan ni Francisco sa bahay ni Hilaro ay dalawang sasakyan na nang beripikahin ay mga “hot car.” Araguuyyyy! Abangan!

KIDNAPPING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with