^

Lalaki sa Chicago, ni-reserba ang parking sa pamamagitan ng nanigas na pantalon

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - February 18, 2021 - 12:00am

PUMUKAW ng atensiyon sa social media ang kakaibang paraan ng isang lalaki sa Chicago kung paano niya ni-rereserba sa sarili ang mga bakanteng parking.

Ipinost kasi ni Adam Selzer sa Twitter ang pagreserba niya sa isang bakanteng parking space gamit ang isang pares ng pantalon na nanigas na sa lamig. Sa sobrang tigas ng mga ito ay kaya nang tumayong mag-isa.

Ayon kay Selzer, napatigas niya ang mga pantalon sa pamamagitan ng pagbabad sa mga ito sa tubig at pagbilad sa kanila sa labas ng bahay. Sa sobrang lamig sa Chicago, mabilis na naninigas daw ang mga ito.

Karaniwan na ang pagrereserba ng mga parking space sa Chicago, at karaniwang gamit ng mga residente ang mga upuan at traffic cones upang markahan ang mga espasyong nais nilang parkingan.

Plano raw ni Selzer na magpatigas naman ng t-shirt upang iterno sa gamit niya ngayong nanigas na pantalon.

CHICAGO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with