^

Punto Mo

Pangalang Trump ng isang kalsada sa canada, gustong ipabago ng mga residente

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SA kagustuhang dumistansya mula sa kontrobersiyal at kabababa pa lang sa puwesto na US President, gustong ipabago ng mga residente sa isang distrito sa Ottawa, Canada ang pangalan ng “Trump Avenue” roon.

Matatagpuan ang Trump Avenue sa Central Park ng nasabing siyudad, kung saan ang mga kalsada ay ipina-ngalan mula sa mga tao at bagay mula sa New York City. Matatandaang isang sikat na real estate mogul si Trump sa New York bago siya pumasok sa pulitika.

Ilang beses na raw tinangka ng mga residente na ipabago ang pangalan ng Trump Avenue ngunit hindi ito nagtagumpay sa pangambang maiinsulto ang noo’y Presidente pa ng Amerika na si Donald Trump.

Ngunit ngayong wala na sa puwesto si Trump at matapos ang sinasabing pang-uudyok niya sa kanyang mga taga-suporta na sugurin ang US Capitol noong nakarang Enero 6, mukhang marami na ang susuporta sa panukalang baguhin ang pangalan ng Trump Avenue.

Hindi pa nakakapili ng kapalit na pangalan ang mga nagtutulak sa panukala ngunit ayon sa isang residente, kahit ano pa ang mapili nila ay sigurado siyang magiging mas maganda ito sa kasalukuyang pangalan ng kalsada.

TRUMP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with