^

Hindi ako Susuko (108)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - January 24, 2021 - 12:00am

TINUNGO na ni Reagan ang lobby para puntahan si George. Naabutan pa niya sa elevator ang big boss at nagkasabay pa rin sila. Sa second floor ang office ni boss.

“Siyanga pala Reagan, sabihin mo sa iyong bisita na sorry at na-interrupt ko ang inyong pag-uusap kanina. Kailangan lang kasing ipaalam ko sa iyo ang masidhing pagnanais ng babae na mabili ang Sir Abe painting.’’

“Wala ka pong dapat alalahanin sa bisita ko Sir. Mabait po ‘yun. Siyanga po pala, siya po ang pamangkin ni Sir    Abe. Natatandaan mo pa po ba ang ikinuwento ko sa’yo nun. Siya po ang nag-alaga kay Sir Abe pero ang masaklap ay pinalayas pa sa bahay ng anak na babae ni Sir Abe.’’

‘‘Yes! Yes, natatandaan ko. Kapag kuwento ukol sa pang-aapi at panlalait ay hindi ko nalilimutan. Pinalayas siya ng anak ni Sir Abe na sabi mo’y pinagsisira rin ang painting?’’

‘‘Opo Sir. Natatandaan mo pa po pala.’’

‘‘Sabi ko nga sa’yo kapag tungkol sa pang-aapi ng isang tao sa kanyang kapwa, hindi ko malilimutan, ha-ha-ha !’’

Tumunog ang elevator pagsapit sa 2nd floor. Lalabas na ang boss.

“Sige Reagan, ikuwento mo rin sa pamangkin ni Sir Abe na isang babae ang pinipilit bilhin ang painting.’’

“Opo Sir.’’

Lumabas na ang boss.

Pinuntahan ni Reagan si George sa lobby at saka sila nagtungo sa cafeteria.

Kape lang at doughnut ang inorder nila.

“Mukhang importante ang sinabi ng boss mo Reagan.’’

“Oo nga Sir George. Meron kasing isang babae na gustong bilhin ang Sir Abe painting. Kahit daw magkano. E problemado si Bossing. Makulit daw. Iminungkahi ko na ako na lang kakausap sa babae para sabihin na hindi ipinagbibili ang painting.’’

“Talagang nagustuhan ang painting mo. Kakaiba kasi ang medium na ginamit mo sa painting.’’

“Sasabihin ko sa babae na huwag na siyang magsayang ng panahon dahil hindi pinagbibili ang Sir Abe painting.’’ (Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with