Hindi ako susuko (98)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - January 14, 2021 - 12:00am

MASAYANG-MASAYA ang mag-asawa habang pinagmamasdan ang kanilang apat na anak na nag-uusap. Sila ang pinakamaligayang magulang sa mundo sapagkat hindi sila binigyan ng problema ng mga anak. Masuwerte sila sa pagkakaroon ng mga anak na masunurin, mababait at matatalino. At sa pagkakaroon ng panganay na katulad ni Reagan sapagkat ito ang ginawang role model ng tatlong kapatid.

“Si Reagan ay naging magandang halimbawa. Siya ang sinundan ng tatlong kapatid,” sabi ni Tatay.

“Oo nga,’’ sagot ni Nanay.

“Mayroon ka pa bang mahihiling ngayon?’’ tanong ni Tatay.

“Wala na. Lahat ay naibi­gay na sa atin at nagpapasa­lamat ako sa Diyos sa lahat nang biyaya. Ipinagpagawa na tayo ng bahay ni Reagan. ‘Yung nakasangla nating palayan at taniman ng gulay ay natubos na at ibinili pa tayo ng limang ektaryang taniman ng niyog at saging. Wala na akong inaasam pa.’’

“Ako meron pa,” sabi ni Tatay.

“Ano?’’

“Apo. Sana magkaroon na tayo ng apo.’’

“Paano tayo magkakaroon ng apo e wala namang nobya si Reagan.’’

“Malay mo merong siyota ‘yan sa opis nila. Di ba meron yang laging kasamang babae sa picture? Merong kuha sa restaurant habang kumakain sila.’’

“Kaibigan daw ‘yun.’’

“Maganda yung babaing ‘yun ah. Mukhang mabait.’’

“Hayaan mo at minsan ay itatanong ko kay Reagan. Itatanong ko pati ang name ng babae.’’

“Sana’y ‘yun na ang ma-ging asawa ni Reagan para magkaapo na tayo.’’

“Bata pa naman si Reagan. Huwag mong madaliin.’’

Nagtawa si Tatay.

Minsan, tinanong ng nanay si Reagan tungkol sa babaing lagi nitong kasama sa picture.

“Ah si Hillary po ‘yun. Kasamahan ko at kaibigan sa opis. Siya po ang una kong nakilala sa opis. Napakabait po niya, Nanay.’’

“Oo nga nakikita ko sa mukha na mabait.’’

“Bakit mo po naitanong si Hillary?’’

“E kasi’y nasabi kasi ng tatay mo na gusto na niyang magkaapo at nasabi na baka nobya mo si Hillary…’’

Nagtawa si Reagan.

“Kaibigan ko lang po si Hillary.’’

“Bakit hindi mo ligawan?’’

Napangiti lang si Reagan.

(Itutuloy)

HINDI AKO SUSUKO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with