^

Drug syndicate sa Mindanao, balentong sa PDEG!

SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - December 30, 2020 - 12:00am

KAHIT holiday season walang pahinga ang ating kapulisan sa kampanya laban sa ilegal na droga. Sa katunayan, nalansag na naman ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ni Brig. Gen. Ronald Lee ang sindikato ng droga na nag-o-operate sa Region 9 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Nahuli ang tatlong miyembro nito na dalawang negosyante at isang miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF). Ayon kay Lee, nakumpiska sa tatlong suspects ang isang kilo ng shabu at ang P2 milyon na “boodle” buy-bust money. Nakuha rin ang isang kotse na Chevrolet na may plakang JCT 5097 na gamit ng sindikato sa pagdeliber ng kanilang epektos. Araguuuyyyy! Hak hak hak! Walang pinipiling panahon ang PDEG sa paglambada sa mga drug syndicates.

Kinilala ni Lee ang mga suspects na sina Crimalde Irale Tarawi, 53, isang negosyante na nakatira sa Bgy. Manokmangkaw, Simunul, Tawi-Tawi; Albasir Nuridjam Masihul, 26, seaweed farmer ng Bgy. Sawa, Mabuhay, Zamboanga Sibugay, at Basir Baladji Alano, 48, isa ring negosyante at nakatira sa Bgy. Tulay, Jolo, Sulu. Sinabi ng mga tropa ni Lee na si Baladji ay anak ng MNLF commander na si Mesba Baladji na nag-o-operate sa Tapul, Sulu. Hehehe! Pumasok na sa droga ang MNLF ni chairman Nur Misuari? Tanong lang po!

Sinabi ni Lee na nakipag-deal ang Special Operations Unit 9 (SOU9) ng PDEG sa tatlong suspects para bumili ng isang kilo ng shabu sa halagang P2 milyon noong Linggo. Napagkasunduan na magkita ang dalawang kampo sa Purok Santan, Bgy. Lumbog, Imelda, Zamboanga Sibugay ng mga bandang 2:15 p.m. Pinaligiran kaagad ng elemento ng SOU9, Imelda PNP, 1st PMFC Zamboanga Sibugay ang area para walang kawala ang mga suspects at hindi na manlaban. Araguuyyyy! Hak hak hak! Sumuko nang matiwasay ang mga suspects at hindi na nanlaban dahil wala silang dalang armas. Get’s n’yo mga kosa?

Ayon kay Lee, nakumpiska ng mga tauhan niya sa tatlo ang isang Sando black plastic bag na naglalaman ng 18 heat-sealed transparent pack o isang kilo ng shabu na ayon sa Dangerous Drugs Board (DDB) ay nagkakahalagang P6.8 milyon. Nabawi rin sa isang kulay orange na Eco bag ang 20 bundle ng «boodle» money na may nakakabit na P1,000 peso bill sa itaas. Ang kotseng gamit ng tatlo ay kinumpiska at kasalukuyan itong inaalam ng mga tropa ni Lee kung nagamit din ito sa iba pang krimen. Araguuyyyy! Hak hak hak! Para-paraan lang ‘yan, di ba mga kosa? Tumpak!

Ang tatlo ay kasalukuyang ipinasailalim sa tactical interrogation para alamin kung saan nanggagaling ang ibinebenta nilang shabu. Maging si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas ay natuwa sa accomplishment ni Lee dahil kasama sa programa niya ang puksain ang droga sa bansa. Sa sobrang dami ng shabu ang nakumpiska ng PNP nitong liderato ni Sinas subalit marami pa rin ang natitira sa kalye at hindi nagsawa ang PDEG ni Lee na habulin ang drug syndicates. Mabuhay ang PNP sa pamumuno ni General Sinas. Abangan!

DRUG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with