^

Dokumento lamang ang hinihingi ng Pfizer, hindi pa naayos ng DOH!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - December 19, 2020 - 12:00am

HINDI pa natatapos ang mga kontrobersiyang kinasasang­kutan ni DOH Sec. Francisco Duque III nitong nakaraang Huly­o, Agosto at Setyembre ay mayroon na namang isyu hinggil sa COVID-19 vaccine.

Secretary Duque, palala na nang palala ang mga katawagang binibitawan sa’yo! Palpakis daw kasi ang iyong diskarte para makakuha ng bakuna kontra COVID-19  mula sa Pfizer?

Sabi pa ni Sen. Ping Lacson kamakailan patungkol sa’yo, “doggone sonnamagan”.

Hulyo pa lamang kasi ay mayroon nang naging pag-uusap ang gobyerno ng Pilipinas sa pharmaceutical company na Pfizer sa Amerika.

Ito’y sa pamamagitan ni Philippine Ambassador to the United States (US) na si Jose Manuel “Babe” Romualdez  at ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Mismong Pfizer pa nga raw ang  nagfa-follow-up para makumpleto ang mga dokumentong kailangan para sa 10 million vaccine deal na dapat sana ay darating sa bansa sa darating na Enero 2021.

Ngunit dahil meron na namang tutulog-tulog sa pansitan, ang sana’y 10 million vaccines para sa mga Pilipino ay napurnada.

Gustong sabihin nina Sen. Ping, Sec. Teddy at Amba Babes, pinabayaan, pinalampas, sinayang ni Secretary Duque ang pagkakataon.

Hindi rin naman daw totoo ang sinasabing humihingi ng “money down” ang Pfizer. Mga dokumento lamang ang hinihingi ng kompanya mula sa DOH ay hindi pa ito naayos.

Secretary Duque, hindi kaya masyado ka nang busy sa paglilibot mo sa mall, sa palengke at sa kung saan-saan?

Hindi naman siguro puro social distancing lang ang prayoridad mo kaya napabayaan itong oportunidad na ito para sa sambayanang Pilipino.

May mas magandang pakinabang ang yantok na hawak mo Secretary Duque, panghataw sa mga tutulug-tulog at humihilik pang opisyal na nakatalaga para sa bakuna.

Mark my words, ako mismo ay magpapaturok ng COVID-19 vaccine ng Pfizer – kung darating pa ito sa Pinas.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with