^

Kasambahay, minaltrato ng opisyal ng DFA

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - December 12, 2020 - 12:00am

LUMAPIT sa BITAG ang kasambahay na si Jocelyn Cata­mora Gonzales isang PWD (person with disability) para ireklamo ang pang-aabuso ng kanyang amo na si Lourdely Laid, project officer ng Department of Foreign Affairs (DFA). 

Nakapagtataka na simula Setyembre, nagpabalik-balik na siya sa DFA ngunit wala pa rin siyang natatanggap ng aksyon mula sa ahensiya. 

Ayoko man sabihin subalit, tila natutulog sa pansitan ang mga kawani ng DFA na tumanggap ng reklamo ng pobre. Siguradong hindi ito nakaabot kay DFA Sec. Teddy Locsin.

Noong nakaraang Sabado, sa tulong ng tanggapan ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III, inumpisahan nang imbestigahan ang reklamo ni Jocelyn.

Tatlong kaduda-dudang impormasyon ang nalaman ng mga abogado ng tanggapan ng Senador:

Una, paggamit ng ‘Red Passport’ na ekslusibo lamang para sa mga opisyales at representante ng gobyerno ng Pilipinas. 

Pangalawa, ang hindi pagdeklara na isang PWD na may speech impairment si Jocelyn nang dalhin siya ng among si Laid sa Malaysia. 

At pangatlo, ay ang hindi agarang pagtugon ng DFA sa sumbong ni Jocelyn. Palaisipan din sa mga abogado kung bakit tatlong beses na’y wala man lang progreso ang sumbong ni Jocelyn sa DFA.

Sa kaso ng dating Ambassador to Brazil na si Marichu Mauro, na nagmaltrato rin ng kasambahay, marami ang naghihintay sa hatol. Kung mapaparusahan ba siya o hindi at anong klaseng parusa.

Sa kasong ito ni Jocelyn, hindi papayag ang BITAG na walang mangyayari sa kanyang reklamo.

Tututukan ito ng BITAG hanggang sa makamit ang hustisya sa tulong ng tanggapan si Sen. Pimentel III. 

DFA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with