EDITORYAL - Ibalik ang number coding

EDITORYAL - Ibalik ang number coding

(Pang-masa) - December 4, 2020 - 12:00am

GRABENG trapik ang nararanasan ngayon sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Buhol-buhol na at wala namang magawa ang traffic enforcers para maisaayos. Yung ibang enforcers, hinahayaan nang magkabuhul-buhol ang trapik gaya nang nararanasan sa kahabaan ng EDSA, Quezon at Mindanao Avenue. Lalo pang nagkakabuhul-buhol ang trapik dahil sa mga truck na sumasabay sa paglabas. Kamakalawa, lalo pang bumigat ang trapik sa mga kalsadang patungo sa South at North Luzon Expressways dahil sa isyu ng pagkakabit ng RFID stickers. Simula Disyembre 1 ay magiging cashless na ang pagpasok sa SLEX at NLEX. Dahil marami pang sasakyan ang hindi pa nakakabitan, tumukod ang trapik sa mga kalsadang papapasok sa expressways. Nakadagdag din sa trapik ang mga isinarang U-Turn slots sa EDSA.

Numero unong dahilan sa pagbigat ng trapik sa Metro Manila ay ang suspensiyon ng number coding. Lahat nang sasakyan ay nasa kalye kaya bumper to bumper. Wala nang bigayan lalo na kung rush hour.

May ilang mayor na humihiling na ibalik na ang number coding para maibsan ang dinaranas na trapik sa Metro Manila. Isa si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na humihiling sa Metropolitan Manila Development Authority na ibalik na ang number coding at truck ban. Sabi ni Gatchalian, kahit sa kanyang siyudad lang ibalik ang number coding at truck ban para mabawasan ang mga sasakyan ngayong Kapaskuhan at dahil na rin sa pandemia.

Sinusupinde ng MMDA ang number coding scheme at truck ban noong Marso para hindi maapektuhan ang pagpasok ng health workers at ganundin ang delivery ng mga pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan habang nasa gitna ng pandemya. 

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, pag-aaralan nila ang pagbabalik ng number coding at truck ban. Hindi pa rin daw kasi normal ang capa-city ng public transport kaya suspendido ang coding. Nasa 60-70 percent lang daw ang laman ng PUVs. At kapag daw ibinalik ang number coding, marami raw ang magre-requests lalo ang medical o health workers.

Sana mapag-aralan ito ng MMDA. Kung hindi nila maibabalik ang number coding, dapat namang maglagay sila ng mga traffic personnel na magsasaayos ng trapik. Ang nangyayari, nagkukumpulan ang MMDA enforcers sa walang trapik na lugar at mayroon namang nag-aabang lang ng mga magkakamaling motorista para “makotongan’’.

NUMBER CODING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with